Mahal kong talaarawan,
Maaga kaming gumising ngayon dahil Lunes nanaman at mayroong "Flag Ceremony". Pagpasok namin ay pumunta kami ni Jason kay Bb. Daggao para hingiin ang liham sa pagliban ng klase dahil kasama kami sa mga magbabantay sa "Math Exhibit" at pinapirmahan na namin ito. Inayos lang namin ng konti yung silid-aralan at nagsimula na rin ang eksibit. Nagbantay kami sa loob at inaayos na rin namin yung mga gamit kapag may nagugulo. Tumutulong din kami sa pag-ayos ng oras ng paglabas at pagpasok ng mga mag-aaral. At syempre, hindi rin mawawala ang oras ng pagmimiryenda. Saglit lang kami kumain at bumalik na ulit. Medyo inaantok na ko kasi medyo mainit at pagod na rin. Pagdating ng alas-dose ay nananghalian na kami.
Pumunta muna ko kay Gng. Manlagñit para magbayad sa JS Prom pero hindi ako pinabayad kasi hindi ko pala nadala yung liham na pumapayag sila mama na sumali ako. Tumulong na ulit ako sa eksibit. Nagmiryenda ulit kami at nagsimula na ulit. Madilim na nang kami ay matapos. Niligpit na namin yung mga ginamit namin at nilipat ang iba sa entablado ng paaralan. Sobrang napagod at inantok ako. Umuwi na kaming lahat kasabay si G. Raro at natulog na pag-uwi.
Lunes, Enero 20, 2014
Linggo, Enero 19, 2014
Hindi Ko Pala Nasuot Yung Polo Ko xD
Mahal kong talaarawan,
Hindi na kami ganoon kaaga gumising kasi nga naayos na namin kagabi yung loob ng simbahan. Kumain lang kami at nagsundo na ng mga bata sa aming lugar. Kinuha ko na rin yung polo sa bahay namin na susuotin ko mamaya. Pagbalik ng simbahan ay nagsimula na ang "Children's Church". Pagkatapos ay nagsimula na rin ang "Regular Sunday Service" namin. Hindi ko napansin na hindi ko pala nasuot yung polo ko sa dami ng ginawa ko. Naka T-shirt lang tuloy akong tumugtog.
Kumain kami pagkatapos at matutulog na sana ako nang nagpatawag ng espesyal na sesyon. Tinalakay namin ang tungkol sa tamang pagpapalaki ng mga anak. Doon kasi nagsisimulang mahubog ang magiging ugali ng bata paglaki. Nagpraktis lang yung mga tutugtog at nagsimula na rin ang "nxtGEN service" namin. Pagkatapos ay naghapunan na kami, nagligpit, at umuwi na rin. Nagbasa basa lang ako ng kung anu-ano at natulog na.

Sabado, Enero 18, 2014
Naghanda Para sa "Math Exhibit" :)
Mahal kong talaarawan,
Alas-sais pa lang ng umaga ay ginigising na ko ni mama kasi maglalaba raw kami. Inaantok pa ako kaya natulog ulit ako. Mga bandang alas-otso, si ate naman ang gumising sakin at naglaba na nga kami. 10:00 na kami natapos at pumunta na ko ng skul kasabay si Jason para mag-ayos ng silid-aralan at ng mga kagamitan na gagamitin sa "Math Exhibit" sa darating na lunes.
Pagkatapos namin mag-ayos, dumiretso na ko sa simbahan. Kumain muna ko ng tanghalian at hinugasan ko lang yung pinagkainan ko at natulog na ako. Pagkagising ko ay nagpraktis na kami nila ate ng mga tutogtugin namin para sa Linggo. Kumain na agad kami ng hapunan at dahil aalis pa yung pastor namin, alas-singko pa lang ay nagsimula na kami sa aming sesyon. Matapos ito ay inayos na agad namin yung loob ng simbahan namin para kinabukasan ay hindi na kami gaanong maaga gigising para mag-ayos. May iniwang pinatype lang sa akin at gumawa lang ng dokumentasyon kaya hindi pa agad ako natulog.

Mga etiketa:
Gawaing Bahay,
Kaibigan,
Paaralan,
Praktis,
Simbahan,
Teknolohiya
Biyernes, Enero 17, 2014
Araw ng Laban sa Matematika
Mahal kong talaarawan,
Pumunta ako ng maaga sa skul dahil nananabik ako sa laban namin ngayong araw. Naghintay muna kami hanggang 6:30 ng maghahatid samin na sasakyan at umalis na kami. Nagkaroon muna ng mga seremonya at pinakain na kami para bago lumaban ay may laman ang tiyan. Pagkatapos noon ay nagsimula na ang laban. Binigyan kami ng 2 oras para sagutan ang 50 tanong. Ang hirap talaga. Nagamit ko talaga yung 2 oras para magsagot at may mga tanong pa kong hindi nasagutan dahil hindi ko maisip kung anong gagawin. Natatawa ako nung 5 minuto na lang ay may dalawa akong nasagutan. Bigla kong napagtanto kung anong gagawin at alam kong iyo talga ang dapat gawin dun. Pagkatapos naming magsagot ay lumabas na kami ng silid-aralan at nakahinga na rin ng maluwag
Nananghalian na kami. Pagkatapos ay hindi pa kami nakauwi kasi sabi ni G. Raro na hintayin namin siya. Isa kasi siya sa mga magtatama ng mga papel. Habang nag-aantay, nagtanong si Gng. Rhoda tungkol sa amin. Katulad ng kahulugan ng pangalan namin at buhay pag-ibig. Syempre sa pangalawang paksa, wala akong nasabi xD. Mga bandang 3 ng hapon, pinauna na kami ni G. Raro kasi baka matagalan pa raw siya. Pero natuwa kami bago umalis kasi sigurado na raw na nakapasok kaming lahat. Dumaan muna akong skul at naabutang gumagawa ang mga kasama ko sa "Science Club" ng "bulletin board" kaya tumulong na rin ako.
Umuwi na ako ng bahay at natulog. 7 na ng gabi ako nagising at nagcomputer. Pagkatapos ay nagbasa ng "Voiceless" natulog na.
Mga etiketa:
Gawain,
Liban/Walang klase,
Paaralan,
Teknolohiya
Huwebes, Enero 16, 2014
Pagligo - Isang malaking pagsubok xD
Mahal kong talaarawan,
Naging isang malaking pagsubok sa akin ngayong araw ang PAGLIGO. Bigla kasing lumamig yung tubig ngayong umaga. Parang galing sa ref. At kahit napagtagumpayan ko ito ay nanginginig pa rin akong pumunta ng skul.
Pagkarating ko ng skul, hindi na ko pumasok sa silid-aralan namin at dumiretso na kami ng mga kasama ko sa "Comlab" ngunit sarado pa ito. Nagbigay na lang ang bawat isa ng mga palaisipan at natatawa talga kami kapag nalalaman na namin ang sagot. Ganun lang kami hanggang mabuksan ang "Comlab" ng 8 ng umaga. Si G. Raro na ang nagturo na sa amin ngayon. Nagmiryenda kami at tinuruan na ulit kami nina G. Raro at Gng. Santos. Pagkatapos ay nananghalian na kami.
Ala-una na kami bumalik at tinuruang ulit kami ni G. Raro. Maya-maya ay umalis na si G. Raro dahil magtuturo pa siya at kaming mga nasa ikatlo at ika-apat na taon ang pinagturo niya sa mga nasa ika-pitong at ika-walong pangkat. 4:30 na kami nakauwe.
Pagkauwi ko sa bahay ay humiga ako para matulog dahil inaantok talaga ko sa pagod. Kalahating gising at kalahating tulog na ako ng biglang inuyog ako ni ate. Wag daw akong matulog kasi maglalaba [a kami. Naglaba nga kami at kumain na. Pagkatapos kumaen ay pinanuod namin ang "Smurfs 2" ngunit hindi ko na ito tinapos dahil pagod na talaga ako at kailangan ko nang matulog dahil may laban pa kami bukas. Bago matulog ay kumain ulit ako.

Pakiramdam,
Palabas,
Praktis