a. Kung babasahin ang isang akda sa pananaw na ito, maaaring pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng tauhan na ang pokus ay nasa pagbuo niya ng paninindigan. Sinusuri ang akda batay sa lakas ng paninindigan ng tauhan na nagpapakita ng pagbalikwas sa kanyang kalagayan. Mahalaga na makita ang pagtanggap niya sa naging bunga ng pansariling pagsisikap.
b. Pananaw Eksistensyalismo
1. Malaya ang tao - siya lamang ang maaaring magdesisyon kung paano niya guguluhin ang panahon niya habang siya ay buhay.
2. Responsable ang tao - siya lamang ang responsable sa kanyang buhay kahit pa ang desisyon niya ay para sa kanayang kabutihan o kasamaan.
3. Indibidwal ang tao - walang isang tao na kaparehas niya. Ang kanyang pag-iisip, damdamin, kaalaman at kamatayan ay kanya lamang.
4. Walang makapagsasabi kung alin ang tama o mali maliban sa taong nakaranas sa pinag-usapan.
5. Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa pakikipag-ugnayan sa lipunan at sa mundo.
6. Sinusuri ang akda batay sa lakas ng paninindigan ng tao at ng pagtanggap niya sa naging bunga ng pagpapasya.
Pinagkunan: http://ranieili2028.blogspot.com
salamat
TumugonBurahin