a. Ang namamayani sa pananaw na ito ay emosyon o likas-kalayaan. Pinaiiral dito ang sentimentalismo at ideyalismo. Higit na pinahahalagahan dito ang damdamin kaysa ideyang siyentipiko. Sa pagdulog na ito, matutuklasan ang pagtinging moral, intelektwal at espiritwal. Ang teoryang romantisismo ay karaniwang naglalarawan ng mga sitwasyong nagaganap sa pangaraw-araw sa buhay. Inaasahang ang lahat ng tauhan ay magiging huwaran, maharlika at pawang mabubuti ang inilalarawan.
b. Pananaw Romantisismo
1. Nananalig sa Diyos, sa katwiran at kalikasan ang teoryang ito.
2. Insipirasyon ang pangunahing kasangkapan upang mabatid ang katotohanan, ang kabutihan at ang kagandahan.
3. Makatao, demokratiko at mapagsulong sa ikagagaling ng lipunan ang paniniwala ng mga romantiko.
4. Tampok ang mga sumusunod bilang nilalaman ng panitikan.
- Karakter na sobrenatural o romantiko.
- Sitwasyong pangaraw-araw o karaniwang pamumuhay
- Mababa o kanayunang buhay
- Mga paksang kinuha sa matandang Gresya at Roma, Panggitnang Panahon.
Pinagkunan: http://ranieili2028.blogspot.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento