Pumunta ako ng maaga sa skul dahil nananabik ako sa laban namin ngayong araw. Naghintay muna kami hanggang 6:30 ng maghahatid samin na sasakyan at umalis na kami. Nagkaroon muna ng mga seremonya at pinakain na kami para bago lumaban ay may laman ang tiyan. Pagkatapos noon ay nagsimula na ang laban. Binigyan kami ng 2 oras para sagutan ang 50 tanong. Ang hirap talaga. Nagamit ko talaga yung 2 oras para magsagot at may mga tanong pa kong hindi nasagutan dahil hindi ko maisip kung anong gagawin. Natatawa ako nung 5 minuto na lang ay may dalawa akong nasagutan. Bigla kong napagtanto kung anong gagawin at alam kong iyo talga ang dapat gawin dun. Pagkatapos naming magsagot ay lumabas na kami ng silid-aralan at nakahinga na rin ng maluwag
Nananghalian na kami. Pagkatapos ay hindi pa kami nakauwi kasi sabi ni G. Raro na hintayin namin siya. Isa kasi siya sa mga magtatama ng mga papel. Habang nag-aantay, nagtanong si Gng. Rhoda tungkol sa amin. Katulad ng kahulugan ng pangalan namin at buhay pag-ibig. Syempre sa pangalawang paksa, wala akong nasabi xD. Mga bandang 3 ng hapon, pinauna na kami ni G. Raro kasi baka matagalan pa raw siya. Pero natuwa kami bago umalis kasi sigurado na raw na nakapasok kaming lahat. Dumaan muna akong skul at naabutang gumagawa ang mga kasama ko sa "Science Club" ng "bulletin board" kaya tumulong na rin ako.
Umuwi na ako ng bahay at natulog. 7 na ng gabi ako nagising at nagcomputer. Pagkatapos ay nagbasa ng "Voiceless" natulog na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento