Mahal kong talaarawan,
Sa araw na ito ay iniulat ng bawat pangkat ang mga takdang aralin na nakaatas sa bawat isa. Nagkaroon ng pagpupuna tungkol sa paraan ng paguulat at nilalaman ng bawat ulat. Itinama rin ng aming guro ang gawa ng bawat isa. Pagkatpos noon ay tinalakay namin ang teoryang nakapaloob sa akdang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos, ang teoryang eksistensiyalismo, at binigyan nanaman kami ng pangkatang gawain ngunit natapos na ang oras ng Filipino kaya ipagpapatuloy na lang ito bukas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento