Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw ay nagbalik-aral kami sa akdang Tata Selo. Pagkatapos ay tinalakay namin ang teoryang nakapaloob dito at ito ay ang Teoryang Dekonstruksyon. Sa teoryang ito ay nababago ang una mong pananaw sa akda kapag nalaman mo na ang tunay na mga pangyayari. Halimbawa nito ay ipinapakita ng akda na si Tata Selo ay kriminal samantalang si Kabesang Tano naman ay biktima. Ngunit noong nalaman na sa likod ng mga pangyayari ay ginahasa ni Kabesang Tano ang anak ni Tata Selo na si Saling, lumabas na si Kabesang Tano ang kriminal at si Tata Selo naman ang biktima. Binigyan din kami ng takdang aralin upang gumawa ng islogan tungkol sa paksa ng akda. Mabilis lamang natapos ang talakayan dahil 35 minuto lamang ang inilaan sa bawat asignatura.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento