Mahal kong talaarawan,
Tinanong kami ng aming guro kung ano ang maiisip namin kapag narinig namin ang salitang bilanggo. Inilarawan din sa amin ng aming guro ang iba'tibang uri ng pagkakabilanggo katulad ng bilanggo sa pag-ibig, sa problema, sa kahinaan, at sa alaala ng nakaraan. Tinanong din kami kung ano ang kahulugan ng Sinag sa Karimlan. Pinakahulugan ito ng aking mga kamag-aral sa paraang denotasyon, liwanag sa kadiliman, at sa paraang konotasyon, mumunting pag-asa.Pagkatapos noon ay iniulat na ng aking mga kamag-aral ang akdang Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar. Matapos ang kanilang paguulat ay itinama ng aking guro ang ilang kamalian sa kanilang paguulat at mas pinalawig ang pagpapaliwanag sa akda. Ang bawat pangkat naman ay binigyan ng takdang aralin na gumawa ng pag-uulat patungkol sa naatas na tauhan ng akda.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento