Mahal kong talaarawan,
Pagkagising ko ay naalala ko na may presentasyon pala kami mamaya. Pinag-aralan ko kaagad yung panimula ng kanata ng Ezra band na "Walang Iba" para naman gumanda yung presentasyon namin mamaya. Dadalhin ko sana yung gitara namin ngunit nang paalis na kami ay bigla namang naputol ang isang kwerdas nito kaya't hindi ko na ito dinala na nagbabakasakaling may mahihiraman ako sa paaralan.
Pagdating ko sa aming paaralan ay mayroon ngang nagdala ng gitara sa aking mga kaklase. Ngunit nalaman ko na hindi pala "Walang Iba" ang aking tutogtugin dahil binago ng aking mga kagrupo ang konsepto ng aming presentasyon. Hindi ko nga ito alam dahil hindi nga ako pumasok kahapon sa aming klase. Nagkaroon naman ako ng sapat na oras para mapraktis yung kantang kakantahin nila.
Ilan sa aming mga guro ay nagbigay sa amin ng ilang saglit para makapagpraktis ng aming ipepresenta. Natuwa naman kami dahil mapapaganda pa namin ng konti ang aming presentasyon. Dumating na nga ang oras ng Filipino at medyo naging maayos naman ang aming presentasyon.
Pagkatapos ng klase ay pumunta kami sa bahay nila Clemente dahil kaarawan niya ngayon. Kami ang nagluto ng spaghetti. Kahit hindi gaanong marunong magluto ay itinuloy pa rin. Masarap naman yung kinalabasan at nabusog kaming lahat.
Plano pa sana naming maglaro sa rentahan ng computer. At sa paghahanap namin ng rentahan ng computer na may bakante ay nakita namin ni Jason ang kaklase namin noong kami ay nasa elementarya pa. Tuwang-tuwa naman si Jason kasi crush na crush niya iyon nung elementarya pa kami. Hindi na nagtagal ang aming pag-uusap at hindi na natuloy ang paglalaro dahil hapon na at umuwi na kami.
Dapat namigay kayo ng spaghetti... heheh~
TumugonBurahinoo nga, o kaya nagdala ka man lang para bukas ( abot paba iyon bukas? ) !
TumugonBurahinInubos na po namin ;P
TumugonBurahin