Mahal kong talaarawan,
Naging masaya ang araw ko ngayon sa aming paaralan. Hindi ko alam kung bakit masaya ako ngayon pero masaya talaga. Natuwa rin ako sa mga palaisipan ng aking mga kamag-aral sa akin na kahit nagkaklase na ay iniisip ko pa rin. At kapag nalaman ko na ang sagot ay natatawa na lang ako.
Katulad ng dati, nag-aral ng Math pagkatapos ng klase at dumiretso ako sa aming simbahan dahil tuwing Miyerkules ay may pag-aaral ng Salita ng Diyos (Bible Study) kami. Nagpahinga lang ako ng kaunti at inayos namin ng mga kasama ko ang ikatlong palapag ng aming simbahan dahil nakakalat ang mga kagamitan. Nang matapos na kami ay gumawa na ako ng aking mga takdang aralin.
Mayamaya pa'y nagsimula na ang aming pagtitipon. Maganda ang aming talakayan dahil ang amin paksa ay pagpapatibay ng aming pananampalataya sa Diyos at kung ano nga ba ang tinatayuan namin bilang Kristiyano. Ito ay "Na si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa mga kasulatan.Siya rin ay inilibing at siya ay ibinangon sa ikatlong araw ayon sa mga kasulatan." (1 Corinthains 15:3-8) Gabi na natapos kaya't ginabi na kami ng aking ate, Sairah Padernal, at ng aking kaibigan, Nemuel Cervera, nakauwi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento