Mahal kong talaarawan,
Pagkagising ko, naglinis lang ako ng bahay ng konti. Pagkatapos, naligo na para lumarga nanaman papuntang simbahan. Pagkatapos kong maligo, may pumunta sa bahay. Anak ng ninong ni ate. Punta raw si ate sa bahay nila para mabigay yung pamasko sa kanya. Ang sosyal nga eh. Siya pa yung pinapapuntahan imbis na siya ang pumunta. Ang malas ko nga lang kasi wala kong ninong at ninang ditto. Puro nasa ibang bansa at nagkalimutan na :|. Pero nagulat ako ng sinabi na pinapapunta rin daw ako. Uulanan din ako ng biyaya? At ayun nga binigyan ako ng P110. Salamat sa buhay niya xD
Pumunta na rin kami ng simbahan para dumalo sa Christmas Service. Pagkatapos noon ay nagkainan na kami. Yung iba kong kasama na kabataan ay pumunta sa MOA at kami naman ay pumunta lang sa farmers. Inikot lang naming yun maghapon at nung nagutom na, kain siyempre. Gabi na kami nakauwi.
Pagkauwi ko sa bahay, nagcomputer lang ako sa labas saglit. Bagal kasi sa bahay eh at may pera ako (hahaha). At pagkauwi ko ay nagcomputer ulit at nanuod pa ng "Goong".
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento