Mahal kong talaarawan,
Hindi ulit ako nagdala ng bag sa araw na ito dahil alam kong liliban ulit kami sa klase. Pumasok muna kami sa unang asignatura, Chemistry, ng 30 minuto. Dumating na yung mga nasa ika-apat na taon at lumbas na rin kami at pumunta sa "Comlab" para mag-aral ng Matematika. Kanya-kanya muna kami ng pag-aaral at kapag napapagod na ay nagpapahinga muna at nagpapatugtog lang sa aking selpon. Dumating si Gng. Santos at siya ang nagturo sa amin. Pagkatapos ay nagmiryenda kami. Pagbalik namin ay si Gng. Daggao naman ang nagturo sa amin at nananghalian na kami.
Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa skul dahil may pagpupulong pa ang mga opisyal ng "Math Club". Medyo matagal natapos yung pagpupulong kaya nung pumunta kami sa "Comlab" ay wala na si Gng. Santos. Akala siguro ay iniwan na namin. Nag-aral lang kami ng kanya-kanya saglit at nagsiuwian na. Ianantay ko muna si ate bago umuwi. Pagkauwi ko ng bahay, kumain ako at nanuod ng "Hunger Games" at natulog na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento