Mahal kong talaarawan,
Pagkagising ko ay nagumagahan na ako at naligo. Pagkatapos maligo ay ginawa ko na ang mga proyekto ko. Habang gumagawa ako, may napadaan sa bahay. Si Nemuel at ang pinsan niyang si Cediboy. Kaibigan ko itong si Cediboy at matagal rin kaming hindi nagkita kasi sa Fairview siya nakatira at pumunta lang siya dito kasi kaarawan ng tatay ni Nemuel, tito niya. Niyaya nila ako magcomputer. Laro raw kami ng Defense Of The Ancient (DOTA) (Marunong ba ko nun O_o ?). Dahil nga minsan lang siya magawi sa lugar namin, hindi na ko nakatanggi at iniwan ko muna mga ginagawa ko. Nakakahiya naman kasing tanggihan kaya naglaro na nga kami. Pagkalipas ng 5 buwan, nakapaglaro ulit ng DOTA. Inalis ko na talaga siya sa buhay ko. Ngayon na lang ulit xD. Pagkatapos magDOTA, umuwi na sila pero naglaro muna ko ng LOL. Sagarin ko na habang nasa labas pa ko. Umuwi ako sa bahay ng mga alas-dose para kumain at nagcomputer ulit.
Pagkatapos magcomputer, umuwi na ko at kumain nanaman ng pansit. Tinuloy ko na rin ang mga proyekto ko at tinapos na ito para wala nang problema pagdating ng Sabado at Linggo. Pagkatapos namang gumawa ng proyekto ay nagihaw kami ng bangus para sa kaarawan ng tatay ni Nemuel. Pagdating ng tatay niya, sinalubong namin siya ng kantang "Happy Birthday to You" at nagkaroon ng maiksing programa bago magkainan.Pagkatapos nga ng programa ay nagkainan na. Andaming pagkain kaya nabusog naman ako.
Maya-maya pa ay dumating na rin ang ibang bisita nila at kasama ang mga kabataang dati kong mga kasama sa simbahan. At ayun, nagyaya rin magDOTA! Grabe, nakakahiya talaga tanggihan. Kinokonsensiya ako anlayo pa raw ng pinanggalingan nila? Pagkatapos namang magcomputer ay nagPS2 kami. Pagalingan lang mag "Guitar Hero". Nang matapos na maglaro ay nilabas ko ang gitara namin at dun naman sa tapat ng kapit-bahay nagingay. Nang medyo naboboring at inaantok na kami, nagyaya ulit magDOTA!!!! Pinagbigyan ko naman kasi nga minsan lang naman. Alas-onse na ako nakauwi ng bahay.
marunong ba ko nun ??
TumugonBurahinbka hindi nuh .. hahaha
hahhaha
TumugonBurahin