Mahal kong talaarawan,
Nagsimula ang aming klase sa pagbabalik aral. Matapos noon ay tinanong ng aking guro kung sino si Crisostomo Ibarra at Elias at kung anong papel nila sa Noli Me Tangere. Sunod na itinanong ng aming guro kung ano nga ba ang paghahambing? Masama ba ito o hindo? Sinagot ko naman na ito ay pagkukumpara lamang ng katangian ng dalawang bagay na walang intensiyon na ibaba ang isa at paboran ang isa. Binigyan niya rin kami ng gawain upang paghambingin sina Crisostomo Ibarra, Elias, Felipe, at Delfin na mga tauhan ng Noli Me Tangere at Banaag at Sikat dahil sinasabing may pagkakapareho raw ang dalawang akda. Hindi na namin ito natapos dahil kunulang na sa oras kaya ito ay ipagpapatuloy na lang sa aming tahanan. Lubos akong sumaya sa araw na ito dahil sa mga katatawanang ibinigay sa amin ng aming guro at mga kamag-aral na para bang hindi kumain ang bawat isa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento