Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw ay sinagutan namin ang gawaing hindi natapos, ang paghahambing ng mga tauhan ng Banaag at Sikat at Noli Me Tangere na sina Felipe at Delfin, at Crisostomo Ibarra at Elias. Habang sinasagutan namin ito ay umintrada ang pagtatalo kung si Ibarra ba o si Elias ang namtay. May nagsasabing si Ibarra ang namatay at meron namang si Elias. Natawa ko sa aking mga kamag-aral na ipinaglalabang si Ibarra talaga ang namatay. Napaghahalataang hindi binasa ang buod ng Noli Me Tangere na ipinatakda sa amin. Si Elias talaga ang tunay na namatay sa kwento. Ipinain niya ang kanyang sarili sa mga gwardiya sibil. Tumalon siya sa bangka at inakalang siya si Ibarra at pinagbabaril ito. Sinabi sa akda na pumula ang tubig na isang pahiwatig na tinamaan siya ng bala. Nang makarating siya sa maalamat ng gubat ng Ibarra ay natagpuan niya roon si Basilio at ang kanyang patay na ina at doon niya inutusan si Basilio na mag-aral. Pagkatapos noon ay namatay na siya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento