Ang aming klase ay nagsimula sa
pagbabalik aral sa akdang Sa
Pula, Sa Puti. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pagsusulit na ibigay ang
kahulugan ng mga matalinhagang linyang matatagpuan sa akda. Nagsagawa rin kami
ng pagpapangkatan na kung saan ang bawat pangkat ay naatasang sagutan ang 3
tanong na nakapaskil sa pisara patungkol sa naatas na tauhan ng dulang Sa
Pula, Sa Puti sa bawat pangkat. Napunta sa amin si Teban at dahil
naipaliwanag ng aming grupo ito ng mabuti, sinabi ng aming guro na
pinakamaganda ang aming paguulat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento