Mahal kong
talaarawan,
Balik klase nanaman mula sa isang linggong pagbabakasyon.Naninibago nanaman ako
sa oras ng klase dahil mahabang panahon ang ipinahinga ng aking utak.
Sinimulan ng aming guro ang aming klase sa pamamagitan ng pagbabalik aral
tungkol sa Banaag at Sikat at binigyan kami ng
aming guro ng pagsusulit patungkol sa susunod na aralin, ang Sa Pulat Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo. Pagkatapos ay nagpaskil ang
aming guro ng larawan ng laro sa kasino at sabong upang lubos naming maintindihan
ang akda. Sandalian din naming binalikan ang 3 kumbensyon na monolog, soliloquy,
at aside. Makalipas naman noon ay iniulat na ng pangkat 2 ang akdang Sa
Pula, Su Puti.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento