Mahal kong talaarawan,
Nagkaroon kami ng pagsusulit sa MAPEH (Music, Arts, Physical Education, and Health). Hindi ko alam na may pagsusulit ngayon dahil hindi rin ito nasabi sa amin ng aming guro. Nahirapan ako sa pagsusulit dahil hindi ako handa at hindi ako nagbalik-aral sa aming asignatura. Pagsapit naman ng oras ng AP (Araling Panlipunan) ay binigkas namin ang Preamble, 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, at ang mga lalahok sa paligsahan ng pagkulingling (jingle) ay nagpresenta sa harapan upang makita kung maayos na ba ang kanilang presentasyon.
Pagkatapos ng klase ay hindi ako, kasama ng aking mga kagrupo, nag-aral sa Matematika dahil ang aking mga kasama ay may mga gagawin at mayroon din kaming pagpupulong sa Stentor, pahayagang ingles ng Mambugan. Sa aming pagpupulong ay binigyan kami ng kanya-kanyang paksa upang gawaan ng balita. Ang naibigay sa akin na paksa ay ang natapos na eleksyon ng SAMAKA (Samahan ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan) at ang gaganaping paligsahan na "Mambugan Idol" sa darating na ika-13 ng Disyembre.
Pagkauwi ko sa aming tahanan ay gumawa muna ako ng aking mga takdang-aralin. Maya-maya ay sinamahan ko naman ang aking ina sa pamamalengke upang mayroon siyang katulong.
Tuwing Biyernes hanggang Linggo ay sa aming simbahan ako natutulog kaya't hinantay ko ang aking ama na umuwi mula sa kanyang trabaho upang magpahatid sakay ng kanyang motor papuntang simbahan. Pagkadating ko ay nagpahinga muna. Nagpatugtog muna ako sa aking cell phone at kumain pagsapit ng bandang ikapito ng gabi. Pagkatapos kumain ay sinimulan ko nang gawin ang listahan ng mga batang pumupunta sa aming simbahan tuwing Linggo ng umaga at malalim na ang gabi nang ako ay matulog.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento