The Blog ServicesLatest Tips And TricksThe Blog Services

Sabado, Disyembre 7, 2013

Medyo Inis !

Mahal kong talaarawan,

        Maaga kaming gumising dahil meron kaming tinatawag na Morning Prayer and Devotion (MPD). Hinanda lang namin yung loob ng aming simbahan tapos ayun, pahinga na ulit ng konti. Maya-maya ay nagumpisa na ang aming MPD. Ang aming paksa ay tungkol pa rin sa pagpapasakop sa mga awtoridad katulad ng mga magulang, guro, opisyal ng gobyerno, lider ng simbahan at marami pang iba. Binigyang halaga rin ng aming pastor, Pastor Noi, ang linyang "Giftedness is never above authority" na kahit ikaw ay binigyan ng maraming talento at pagpapala ay hindi iyon dapat maging dahilan ng pagrerebelde mo sa awtoridad.
        Pagkatapos ng MPD ay nagalmusal na kami at sinabihan ako ng aming pastor na tingnan ko raw kung maayos pa ang mga kurdon ng mikropono at ng mga instrumento para maipaayos namin. Tiningnan ko nga kung alin ang mga sira at pagkatapos ng pananghalian ay pumunta kami ng aming pastor sa Quiapo (Naalala ko diyan si Adong ^_^). Noong nasa estasyon na kami ng LRT, sabi ko sa pastor namin na magsiCR lang ako. Nainis ako sa CR. Sa daming tao run, isang CR lang? Tapos angtatagal pa lumabas nung iba. Pagdating namin ay natagalan kami sa paghihintay kaya hindi na ko umabot sa praktis ng Praise & Worship Team ng aming simbahan. Natawa ko nung napagisip-isip ko na 2 oras yung biyahe namen tapos mga 30 minuto yung paghihintay tapos 15 minuto lang ginawa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento