Mahal kong talaarawan,
Pagkatapos ng klase, hindi kame nag-aral ng Matematika. Nag-antay lang ako ng oras hanggang magsimula ang patimpalak na "Mambugan idol" kung saan ipapakita ng mga kalahok ang kanilang natatanging talento dahil naatasan ako na gawan ito ng balita. Habang naghihintay ay nawili kami ng aking mga kaibigan sa pagtingin sa mga isda. Iba't ibang uri, kulay, at laki. Nakakaginhawa talaga sa pakiramdam na pagmasdan ang mga ito.
Pinuntahan naman kami ng aking kasama sa SSG at humingi ng tulong sa amin. Nagbigay kami ng mga liham sa mga presidente at iba pang opisyal ng bawat silid-aralan upang iabot ito sa kanilang mga magulang. Ang liham na ito ay tungkol sa End VAW (Violence Against Women) na kung saan ituturo sa mga kababaihan ang kanilang mga karapatan upang maiwasan ang pangaabuso ng iba.
Natapos naman namin ang pagbibigay ng liham at nagsimula na nga ang Mambugan Idol. Natuwa naman ako sa pagoobserba dahil kakaiba at magagaling ang mga sumali sa patimpalak. Parang gusto ko tuloy magkaroon ng talento nila. Nang matapos na ito ay umuwi na ako sa bahay, nagpahinga ng saglit at pumunta na sa aming simbahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento