Mahal kong talaarawan,
Nagkaroon ulit kami ng pagpupulong sa Stentor at Umalohokan pagkatapos ng klase. Pinagusapan namin yung pagdodokumentaryo ng bawat pangkat ayon sa mga bilang na nabunot namin. Ako ay pangkat 1 at nagulat ako nang sabihin na ako raw ang magiging lider ng pangkat na ito dahil wala pa akong karanasan patungkol sa pagdodokumentaryo. Ang paksang naibigay sa amin ay "Epekto ng Social Media sa mga Kabataan". Pagkatapos ng pagpupulong ay pinagusapan naman namin ng mga kagrupo ko kung ano ang aming gagawin.
Pagkauwi ko sa bahay ay nanuod agad ako ng "The Heirs". Pagkatapos ko manuod ay naalala ko na may takdang aralin pa pala kaya't ginawa ko ang mga ito. Pumalit naman si papa sa pagcocomputer at nanuod naman ng "Transformer" kaya nakinuod din ako. Ayon, dahil nakinuod pa ay gabi ko na nagawa ang aking artikulo tungkol sa pageeleksyon ng mga opisyal ng organisasyong SAMAKA at portpolyo sa Matematika.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento