Mahal kong talaarawan,
Pagkagising namin ay naghanda na kami ng almusal at inayos ang loob ng simbahan. Sinundo na rin namin yung mga bata sa lugar namin at nagumpisa na ang Children's Church. Pagkatapos ay nagpraktis kame dahil hindi nga naging maayos yung praktis kahapon ng P&W Team dahil hindi kumpletoang grupo. Nagumpisa na ang pagsisimba at ang paksa namin ay pinamagatang "We need to be poor in spirit in order to be rich" at ang pangunahing bersikulo (verse) ay Mateo 5:3-12 o mas kilala bilang "Ang Mapalad" o "The Beatitudes" sa ingles. Naging maayos din naman ang aming pagtugtog pero pinagsabihan ako ng asawa ng nauna naming pastor na dapat ay nagpraktis ako kahapon. Kahit raw maganda yung pagtugtog namin ay dapat paring ibigay yung puso namin sa pagpapraktis at dapat ay may paghahanda dahil hindi naman tao ang tinutugtugan namin kundi ang Diyos (Ayon medyo natauhan ^^').
Natapos na yung pagsisimba namin at sama-sama kaming nananghalian. Hinatid din namin yung mga batang sinundo namin kanina at natulog ako pagbalik sa simbahan. 10 minuto lang akong nakatulog dahil nagsimula na agad yung pagpupulong ng mga lider ng Cell Ministry kaya medyo hilo-hilo ako. Pagkatapos naman ng pagpupulong ay nagsimula na ang nxtGEN, pagsisimba ng mga kabataan. Pinagusapan din namin ang aming gaganaping pagdiriwang ng pasko at pagkakaroon ng maliit na negosyo. Gabi na kami nakauwi at inabot pa ng ulan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento