Mahal kong talaarawan,
Ako nanaman ang nahuling nagising. Inayos namin ang loob ng simbahan at nilagyan namin ng mga upuan para sa mga batang dadalo mamaya sa aming Children's Church. Mayamaya pa'y dumating na ang mga bata at kami ay nagsimula na. Nagtugtugan, nagsayawan, at nagturo na sa mga bata. Pagkatapos noon ay pinakain na namin sila. Nagsimula na rin ang regular na pagsisimba at pagkatpos ay nagsalu-sako kami sa pananghalian. Karaniwan akong natutulog pagkatapos noon ngunit ngayon ay hindi. Hinantay ko munang magsimula at matapos ang aming pagtitipon tungkol sa pagiging lider(Leadership Session) at tsaka ako natulog. Nang ako ay magising ay nagsimula na rin ang pagsisimba para sa mga kabataan. Natuwa ako sa paksa ng aming Pastor tungkol sa pagpapahalaga sa mga sakripisyo ng aming mga magulang. Medyo gabi na nang matapos at salu-salo ulit kaming naghapunan. Nagyaya ang isa sa kasama kong kabataan na pumunta sa Marikina para maggala ngunit intinext ko muna ang aking ina kung papayagan niya ako. Hindi siya pumayag, katulad ng inaasahan ko, dahil gabi na ngunit pinilit ko siya. Hindi na siya nagtext pang muli. Nagkaroon ng pagdadalawang isip sa akin kung susundin ko ba siya o hindi. Ngunit napagtanto ko na konektado ito sa itinuro kanina ng aming Pastor kaya't hindi na ko sumama. Hindi naman nagkaroon ng inis sa aking puso dahil hindi ako nakasama at masaya pala talagang sumunod. Bago umuwi sa bahay ay dumaan muna ako ng pagupitan at nagpagupit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento