Mahal kong talaarawan,
Ngayon ay araw ng Lunes. Meron kaming pagtataas ng flag (Flag Ceremony) sa aming paaralan kaya't maaga kami ng aking ate ginising ng aming ina. Maaga na nga kaming ginising ng aming ina ay muntik pang mahuli sa pagtataas ng flag dahil napakabagal kumilos ng aking ate.
Natapos ng normal ang aming klase. Dumiretso ako sa aking guro sa Matematika na si Gng. Santos upang mag-aral ng iba't ibang konsepto para sa darating na laban kasama ang aking mga kamag-aral na si Jerome at Shenna. Inakala kong pagkatapos ng aming pag-aaral ay gagawa kami ng bulletin board para sa organisasyong SSG ngunit wala ang aming mga kasama kaya't umuwi na lang kami. Pagkauwi ko ay natulog na ako.
Nagising ako at hinarap agad ang computer. Gumawa ako ng mga takdang aralin. Inayos ko rin ang aking blog sa Filipino. Nilagyan ko ito ng mga tatak (labels). Nahirapan ako sa aking paggawa dahil sira ang aming keyboard at on-screen keyboard lamang ang aking ginamit na kung saan pipindutin lamang ng mouse ang mga letra(tik....tik....tik....). Pagkatapos noon ay hindi na ako nagpagabi dahil may pasok pa kinabukasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento