The Blog ServicesLatest Tips And TricksThe Blog Services

Miyerkules, Disyembre 11, 2013

Nuod Tayo !

Mahal kong talaarawan,

        Pagkatapos ng klase at mag-aral sa Matematika, nagkaroon ng pagpupulong ang Stentor at Umalohokan. Kailangan na raw na matapos agad yung dyaryo ng paaralan para makasali sa RSPC yung mga kalahok ng aming paaralan. Pinagusapan din namin na magkakaroon kami ng dokumentasyon tungkol sa mga isyu ng kabataan ngayon.
        Pagkauwi ko ay gumawa lang ng mga takdang aralin at nanuod na ng "The Heirs". Huminto ako sa panonood nang dumating na si papa dahil gagamit din siya ng computer. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa rentahan ng computer para magpaprint dahil nagpiprint din sila ron.
        Medyo matagal akong nakabalik ng bahay kasi may nagpaggawa pa sa rentahan ng computer kaya matagal bago naprint yung takdang aralin ko. Pag-uwi ko sa bahay, nakita kong nanunuod si papa ng "Unless" kaya nakinuood na rin ako. Pagkatapos panuorin nun ay nanuod din kami ng "Hanzel and Gretel". At sa wakas maaga ring nakatulog sa araw na ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento