Mahal kong talaarawan,
Pagkagising
ko, naligo na kaagad ako bago magumagahan. Sinundo namin ang mga bata sa amin
at sinimulan ang "Children's Church". Dahil nagkaroon ng pagbabago sa
oras ng pagsisimula ng "Regular Service" mula 10:00 ng umaga na
naging 10:30, nagdownload muna ako ng mga kantang papatugtogin mula 10-10:30.
Nagsimula na rin ang "Regular Service". Pagkatapos noon ay
nananghalian kami.
Umakyat na
ko sa taas para matulog. Sumunod naman si Gibson at Nemuel sa taas at nanuod
sila sa selpon ni Gibson. Eh dahil gusto ko rin manuod, hindi na tuloy ako
natulog kahit sobrang antok na ko. Ang pinanood namin ay "Apocalypto"
at "Ong-Bak". Napanuod ko na talaga yan dati pa pero gusto ko ulit
panoorin. Tapos na kaming manood at nakahiga na lang ako habang nagseselpon.
Tinext ako
ni Erin na nasa tapat na raw sila ng simbahan namin. Nagsabi kasi siya sakin na
dadalo raw sila sa "Youth Service" namin kasama niya yung mga
kabataan ng simbahan ng church nila. Tinanaw ko naman sila mula sa taas at
nagulat ako sa dami nila. Akala ko mga 10 lang silang pupunta. 22 silang lahat
at kasama rin nila yung "Youth Leader" nila. Nagsimula na rin ang
"nxtGEN Service" (tawag sa "Youth Service" namin) namin.
Nagpakilala muna ang isa't isa, tumugtog yung "Praise & Worship
Team" (PWT), at nangaral na si pastor. Pagkatapos nun ay nakipagjamming
kami sa kanila. Grabe ganadong ganado silang lahat. Una tumugtog muna yung
"PWT" ng nxtGEN namin. Hindi na kasi kami yung tumutugtog sa nxtGEN
at yung bagong grupo na. Parang praktis na rin nila yun bago sila mapunta sa
"PWT" ng "Regular Service". Matapos naman nilang makatugtog
ng maraming kanta, sabi ng mga kabataan nila Erin na gusto raw nila na tumugtog
din yung orihinal na "PWT" kaya tumugtog naman kami. 5 kami nila ate,
Nemuel, kuya Tim, kuya Jun, at ako ang nasa "PWT" ng "Regular
Service" pero dalawa lang kami ni Nemuel ang tumugtog, siya naggitara at
kumanta at ako ang nagdrums, kasi si ate at kuya Tim ay naghahanda ng makakain
naming lahat at si kuya Jun naman, hindi siya kabataan kaya wala siya ngayong
hapon. Isa lang ang tinugtog namin. Ang "I am a Friend of God".
Pagkatapos naman namin ay tumugtog din ang "PWT" nila Erin. Kumain na
kami. Pagkatapos ay nakipagchikahan pa sila samin. Ang kukulet at angtataas
talaga ng enerhiya nila lalong-lalo na yung "Youth Leader" nila, si
ate Je (Je ba yun?). Umuwi na sila at niligpit na namin ang lahat at umuwi na
rin kami.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento