Mahal kong talaarawan,
9:30 na ng
umaga ako nagising. Kumain muna ako ng pandesal at palabok. Niyaya ako ni papa
na magbisekleta papuntang Antipolo pero parang hindi ko gustong magbisekleta
ngayon kaya hindi muna ako sumama. Pagkalipas ng tatlong minuto, parang
nainggit ako kay papa at nagbago ang isip ko kaya sabi ko kay mama na
magbibiseklata na nga lang din ako. Paakyat na ko ng kalsada ng madaanan ko si
papa kasi may kinausap siya sa daan na kakilala niya kaya hindi pa siya
tuluyang nakakaalis. Sumabay na rin ako sa kanya ng pag-alis pero hanggang
Valley Golf lang ako kasi hindi ako nagpaalam kay mama na lalabas ako sa lugar
namin. Pagbaba ko galing Valley Golf ay dumiretso ako ng Masinag. Hindi naman
kasi gaanong malayo yon kaya dumiretso na ko run kasi medyo matagal na rin
naman akong hindi nakakapag-ehersisyo. Pag-uwi ko sa bahay, nagpahinga muna ako
ng konti at nangapitbahay na. Maya-maya ay tinawag ako ni mama para patulungin
sa bahay. Pinakuha niya ako ng malunggay sa puno ng malunggay (malamang) namin,
pinalamas ng puso, at naggata ng niyog. Tumulong na rin ako sa pagluluto.
Pagkatapos ay natulog ako ng hindi pa kumakain.
2:30 na ako nagising at saka pa lang
kumain ng pananghalian. Naghanda kami ni ate at pumunta na ng aming simbahan.
Pagkarating namin ay nagpraktis na kami ng mga tutogtugin namin bukas.
Pagkatapos magpraktis ay naghanda na kami ng pagkakainan namin. Habang
naghahanda ay dumating si ate Mai kasama ang mga kabataan sa simabahan nila at
hindi nagtagal ay umalis din naman sila maliban kay ate Mai kasi nga siya yung
nagseseminar sa amin. Kumain kami at sinimulan ang sesyon. Pagkatapos ay inayos
na namin ang loob ng simbahan para hindi na kami gumising ng sobrang aga bukas
para maghanda at natulog na ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento