Mahal kong talaarawan,
Maaga kaming gumising para pumasok. Pagdating ng oras ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EP), naatasan kaming mangolekta ng tulong barya kaya lumiban muna kami sa klase at bumalik na sa oras ng Filipino, Pagkatapos ng klase hindi na rin kami nag-aral sa Matematika kasi wala si Gng. Santos. Pumunta muna kami ng YEJ kasi wala pa namang ginagawa sa skul.
Ala-una na kami bumalik ng skul. Gumawa kami ng "bulletin board" ng SSG kasi hinahanap na raw ni Sir Beltran kaya naman nagtulong-tulong kami sa paggawa hanggang alas-kwatro. Alas-singko na ko nakarating ng bahay.
Pinaayos ko kay papa yung patilya ko kasi may uka para mapantay kahit papano. Kumain na rin ako. Pagkatapos kumain ay nagcomputer lang at nag-edit lang ng konti. Kumopya na rin ako ng mga akda sa internet para sa proyekto namin sa Filipino na pagsulat at nilagay ko sa notepad sa cellphone ko para sa cellphone na lang ako magbabasa. Parang ebook lang :). Pagkatapos ay natulog na rin ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento