Mahal kong talaarawan,
Maaga kaming gumising sa araw na ito dahil mayroon kaming pagtataas ng bandila ngayon sa skul. Naghanda na kami ng ate ko sa pagpasok at hinatid na kami ni papa. Kumpiyansang kumpiyansa ako na hindi kami maleleyt sa araw na ito pero pagdating namin sa skul ay sarado na ang gate at nakapagsimula na. Parang ang aga yata nila magsimula. Alam kong nasa oras pa kami. Pinapasok na yung mga estidyanteng nasarahan ng gate (Kasama kami dun xD Bwahahahaha). Hindi raw pala kami leyt. Sadyang maaga lang talagang nagsimula kasi pinasimula na agad ni Sir Beltran, punong-guro namin, yung pagtataas ng bandila.
Naging maayos naman ang daloy ng klase maliban na lang pagdating ng oras ng Filipino. Biglang dumating si Sir Cagnayo at inukaan ang mga mababait na estudyante na hindi nagpagupit. At siyempre, dahil mahal ko ang buhok ko at hindi ako nagpagupit ay kasma ako sa mga naukaan. Ayaw ko kasi talagang nagpapagupit. Nagmumukang ewan kasi ako kapag nagpapagupit eh. Hindi ko talaga alam kung anong koneksiyon ng buhok sa pag-aaral. Pero sabi nga, dapat sundin ang awtoridad. Hindi raw kaylangang magtanong basta sumunod na lang maliban na lang kung nilalabag na nito ang karapatang pantao at utos ng Diyos (Turo yan ni Pastor :D). At nung maukaan na ako, naginit talaga ako. Para akong lalagnatin. Kasi nga umaayaw katawan ko sa pagpapaguput. Kapag nagugupitan ako, nanghihina katawan ko (Samson lang? Samson and Delilah? Ahahahaha ^_^).
Pagkatapos ng klase, pumunta kami sa silid-aralan ni Gng. Santos kasi raw mag-aaral kami dapat sa Matematika pero wala siya. Kaya ayun hindi na kami nag-aral. Pinatawag din ako ni Gng. Mixto kasi may papagawa raw siya. Yung "Name Plate at Runner" ng diyaryo. Umuwi na ako at kumain at nagpahinga muna. Pagkatapos ay ginawa ko na yung pinapagawa ni Gng. Mixto at pagkatapos ay gumawa na rin ng mga takdang-aralin. Gabi na ako natapos at natulog na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento