The Blog ServicesLatest Tips And TricksThe Blog Services

Linggo, Enero 5, 2014

Takdang Aralin Niya, Takdang Aralin ko (' -)

Mahal kong talaarawan,

        Maaga kaming gumising para maghanda ng para sa pagsisimba. Inayos namin ang loob ng simbahan at naghanda na rin ng umagahan namin at kumain na. Pagkatapos kumain ay nagsundo na kami ng mga bata sa lugar namin. Pagbalik namin ay nagsimula na ang "children's Church". Habang nagtuturo na yung mga guro sa mga bata, inayos ko lang yung powerpoint ng mga kanta na ipapakita habang nagpapaawit kami.
        Matapos ang "Children's Church" ay inayos na namin ang loob ng simbahan para sa regular na pagsisimba. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na kami. Nagpaawit muna kami at nagturo na ang aming pastor. Ang kanyang itinuro ay tungkol sa "On The Road to Emmaus". Kung gusto niyong basahin (Basahin niyo nawa xD hihihi), makikita ito sa Lukas o Luke 24:13-35. Pagkatapos naman noon ay nagkainan na.
        Natulog muna ako. Noong mga bandang alas-dos na ay ginising nila ako kasi may sesyon daw. Tungkol sa paggawa ng "Lesson Plan" para sa Sunday School ng mga bata. Hindi naman ito gaanong nagtagal at sinimulan na rin ang "nxtGEN". Sama-sama rin kaming naghapunan at umuwi na.
        Pagkauwi ko ay pinagawa sa akin ni ate yung website niya. Kailangan na raw matapos nun ngayon kasi pasahan na bukas. Ako pa yung minamadali niya. Plano ko pa namang matulog ng maaga kasi may pasok na bukas. Ginawa ko naman na yung website niya. Pero dahil puyat na ko nito, sinagad ko na at tinapos ko na lang ang "Season 2" ng Diary ng Panget, ang Diary ni Eya.

1 komento: