Mahal kong talaarawan,
Pagkagising ko ay kumain na ko ng mabilisan. Habang naliligo si ate ay nagbasa muna ako ng saglit. Madaanan ko man lang ng tingin yung mga sinulat ko ayos na. Pagpasok namin, di ko na dinala bag ko kasi pag-susulit naman at dagdag bigat lang kaya binulsa ko na lang ang aking ballpen. Pagdating ko sa silid-aralan namin ay nakaayos na ang mga upuan at parang akin na lang yung bakante. Maya-maya ay nagsimula na ang aming pagsusulit. MAPEH, English, T.L.E, at Filipino ang aming pagsusulit ngayon. Medyo mahirap din. Nakakalito yung mga tanong pati sagot. Parang lahat ng pagpipilian tama. Pero nalagpasan pa rin ang unang araw ng pagsusulit.
Maaga kaming umuwi ngayon at hindi na ko nagtagal sa skul. Pag-uwi ko ay walang tao sa bahay. Kumain lang ako at natulog na. Nagulat ako ng biglang parang nababasa yung kamay ko. Yun pala dinidilaan na yun ng pusa namin kaya nagising ako. At pagkagising ko ay wala pa rin sila. las-singko na nun. Pero parang may pumasok sa bahay namin kasi hindi ko naman nilak yung pinto sakaling dumating sila, mabubuksan nila yung pinto kahit tulog ako. Yun pala si papa nakarating na sa bahay nung mga alas-tres pa. Nasa labas lang siya. Kumain na rin agad ako ng hapunan para tuloy-tuloy na ko sa gagawin ko mamaya.
Pagkatapos kong kumain ay nagsimula na kong gumawa ng mga buod ng akda at palabas. Una kong binasa ay ang "Uhaw ang Tigang na Lupa" ni Liwayway A. Arceo pero hindi ko maintindihan. Wala pa ko sa hulog at ayoko pang mag-isip kaya pinalitan ko na lang yung ibubuod ko. Ang mga akdang binuod ko ay ang "Paglalayag sa Puso ng Bata" ni Genoveva Edroza-Matute at "Impeng Negro" ni Rogelio Sikat. Sa palabas naman ay "Psychic/Haunters". Alas-DOSE na ko natapos kasi naman sila papa nanuod-nuod pa ng "High Lane" at "The Hobbit". Ang hirap kayang magpokus sa ginagawa habang ang iba'y natutuwa sa panunuod nila kaya nakinuod din ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento