The Blog ServicesLatest Tips And TricksThe Blog Services

Biyernes, Enero 10, 2014

Ikalawang Araw ng Pagsusulit - Sayang >.< ..

Mahal kong talaarawan,

        5:30 na kami nagising kaya hindi na ako nakapag-aral. Mas mahihirap pa naman ang pagsusulit ngayon. Pagdating ko sa skul ay nanghiram agad ako ng kwaderno ng kaklase ko para makapagbasa namin kahit konti kasi nga hindi ko dinadala gamit ko. Ayun nagsimula na rin ang pagsusulit.
        Natapos na ang tatlong pagsusulit (Chemistry, EP, at Math) at nagrecess na kami. Pagkatapos kong bumili ng pagkain ko, paakyat na sana ko nang biglang may babaeng lumapit sa akin at nagbigay ng sulat. Galing daw sa kapatid niya. Kala ko bill ng meralco xD. Natuwa naman ako nung binasa ko kasi todo "effort" talaga siya sa paggawa at pagsulat nung liham. Nakakapagbigay pala ko ng inspirasyon sa iba? Huwat!?? Tahahahaha ^_^. Nagsimula na rin kami sa pagsusulit sa AP. Grabe ang hirap niya T.T Nagamit ko tuloy yung namana kong talento kay Madam Auring xD
        Uwian na. Pumunta ako kay Gng. Santos kasi mag-aaral kami ngayon sa Matematika at para malaman ko rin ang iskor ko sa pagsusulit kasi tsinetsekan na niya agad papel ko pagkatapos ng pagsusulit. Nalungkot lang ako pagdating ko doon. Nagkamali raw ako ng isa!!!! Sa madali pa ako nagkamali. Ahuhuhuhu t.t. Pinangako ko pa naman sa sarili ko na peperpekin ko lahat ng pagsusulit sa Math ngayong ikatlong taon ko pero di na matutuloy yon. Pero ayos na rin. Masaya na rin ako run :) Nag-aral na rin kami ng Matematika.
        Pagkauwi ko sa bahay ay kumain muna. Pagkatapos ay nanuod kami ng 3 A.M. "Thai horror/comedy movie" siya. Nakakatawa nga eh. Galing talaga gumawa ng Thailand ng "horror" na "comedy" na palabas. Parang Pee Mak ^_^. Nanuod din kami ng "Forbidden Kingdom". Maganda rin. Pagkatapos ay natulog ako.
        Alas-siyete na ako nagising. Kumain muna ako at nanuod naman kami ng "Blood: The Last Vampire". Napanuod ko na pala to dati -.- Kaya pala medyo pamilyar. Pagkatapos ay gumawa lang ng talaarawan sa blog ko.

1 komento: