The Blog ServicesLatest Tips And TricksThe Blog Services

Huwebes, Disyembre 5, 2013

Medyo Tamad xD

Mahal kong talaarawan,

        Dalawang asignatura ang hindi ko napasukan - Filipino at T.L.E. -  dahil bilang mga opisyal ng SSG ay naatasan nanaman kaming mangolekta ng tulong para sa isang mag-aaral ng aming paaralan na namatayan ng ama. Iniwan nanaman ako ng dalawa kong kasama sa pag-aaral sa Matematika pagkatapos ng oras ng klase dahil inakala yata nila na umuwi na ako kaya't ako lang ang magisang nag-aral kasama ang aking guro. Antok na antok ako sa oras ng aming pag-aaral kaya't pagkauwi ko sa bahay ay natulog ako.
        Alas-siyete na ng gabi nang ako'y magising. Pagkagising ko ay kumain na kami at ginawa ko na ang aking mga takdang aralin. Natuwa naman ako sa paggawa dahil mayroon na kaming keyboard. Nang makita kong nakabukas ang aking kamag-aral sa facebook ay nagpasabay na ko magpaprint kahit malapit lang ang paprintan sa amin dahil tinatamad akong lumabas (medyo tamad xD).
        Habang ako'y nagpapasikut-sikot sa aking facebook ay merong isang kaibigan na humingi ng payo ukol sa kanyang mga problema. Natuwa naman ako sa kanya dahil naranasan ko na rin ang mga problema niya. Napayuhan ko naman siya ng maayos dahil nga napagdaanan ko na ang mga ganoong bagay at nagtapos pa rin ang aming pag-uusap sa, "Pagpray mo yan kay Lord." Mayamaya ay nagloko ang aking facebook at sinasabing, "Your account is temporarily unavailable." Medyo inis na ko kaya't natulog na ako.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento