The Blog ServicesLatest Tips And TricksThe Blog Services

Sabado, Enero 4, 2014

May bago kaming ate :)

Mahal kong talaarawan,

        Gumising ako ng maaga para makapunta sa simbahan namin para dumalo sa "Morning Prayer and Devotion". Sabay-sabay kaming pumunta roon nila ate at iba ko pang kasamahan. NagMPD nga kame at pagkatapos naman noon ay gumawa kami ng mga sobre para sa ikapo at handog (Tithes & Offering). Pagkatapos gumawa ng mga sobre ay binisita namin ang mga batang pumupunta sa simbahan tuwing Linggo para kamustahin. Habang bumibisita kami ay napadaan kami kila Chuchay, kasama namin sa simbahan at may mga kapatid ding mga bata na pumupunta sa Children's Church. Nanuod muna kami ng "Jimmy Neutron" sa kanila saglit bago ipagpatuloy ang pagbisita.
        11:30 na nang kami ay matapos sa pagbisita at bumalik na sa simbahan para kumain. Pagkatapos naman naming kumain ay nagpatunaw lang ako saglit at natulog na hanggang alas-kwatro ng hapon. Pagkagising ko ay nagpraktis na kami para sa tutogtugin namin bukas. Kumain din kami pagkatapos para sa hapunan. Hinanda na namin ang loob ng simbahan para sa sesyon namin mamaya. Nang magsimula na ang sesyon tungkol sa "Microfinance and Holistic Ministry", pinakilala sa amin ni Ptr. Noi si ate Mai. Kaklase niya at siya ang nagturo sa amin. Tinalakay namin ang mga patakaran sa gagawin namin negosyo. Naging masaya ang talakayan namin pero hindi namin ito natapos dahil gabi na at sa susunod na Sabado na lang ulit namin itutuloy.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento