The Blog ServicesLatest Tips And TricksThe Blog Services

Miyerkules, Enero 8, 2014

Pagod na ko. Bukas na lang -.-

Mahal kong talaarawan,

        Sa lahat ng klase namin ay halos nagbalik-aral lang kasi mag "peperiodical test" na kami bukas. Pagkatapos ng klase pumunta lang ng YEJ. Tumingin tingin lang kami pero naakit na rin sa paglalaro. Kaya nag-LOL kami nila Jason at iba ko pang mga kaklase.. Pagkatapos magcomputer ay dumaan lang sa skul saglit at dumiretso na sa simbahan.
        Pagdating ko sa simbahan ay kumain muna ako. Pagkatapos ay naginternet lang ako sa cellphone ko kasi may Wi-Fi naman sa simbahan at nagbasa lang ng artikulo tungkol sa bagay na gusto kong linawin. Siyempre sikreto na yun ;P. Nung mabas ko na ay natulog na ako.
        Pagsapit ng alas-sais ng gabi ay may umakyat na sa taas para gisingin ako. Gabi na raw kasi kaya ginising niya ako. Sabi ko sa sarili ko, "Ano naman kung gabi na?" Inaantok pa kasi ako nun kaya ganun ang nasabi ko sa sarili ko. Pagbaba ko ay nagluluto na sila ng pagkain para sa hapunan at pinagtype ako ni pastor. Kumain na rin kami at pinagpatuloy ko na ang pagtatype. Pagdating ng als-siyete ay nagsimula na ang aming "Bible Study". Nabanggit din ni ni pastor ang "globalization" ng mga bansang Asyano sa 2015. Pagkatapos ng "Bible Study", hindi kaagad kami umuwi dahil may hinantay pa. Habang nag-aantay ay tinapos ko na yung pinapatype sakin. Ang haba kasi eh. Nung dumating na yung hinahantay namin ay umuwi na kami. Plano ko talagang mag-aral pag-uwi pero pagdating ko sa bahay ay napabagsak na sa higaan. Bukas ng umaga na lang ako mag-aaral.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento