The Blog ServicesLatest Tips And TricksThe Blog Services

Miyerkules, Nobyembre 6, 2013

Kakilig ^_^

Mahal kong talaarawan,

        Ngayong araw ay pinagaralan namin kung may desisyon bang ginagamit sa pagsusugal. Tinalakay din namin ang mga magiging resulta kung tama o mali ang magiging desisyon mo. Pagkatapos, inalam din namin kung anong teorya ang nakapaloob sa akdang Sa Pula, Sa Puti at iyon ay Teoryang Eksistensiyalismo. Habang kami ay nasa gitna ng talakayan ay pumasok ang asawa ng aming guro na si Sir Mixto at kinilig naman kaming lahat sa magasawa at dumagdag pa itong isa kong kamag-aral at dinalahan ng upuan ang kaklase kong babae dahil wala itong maupuan. Sa huli ay nagkaroon kami ng pangkatan. Naatas saamin na piliin sa listahan ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagbibingo at pagtaya sa lotto.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento