The Blog ServicesLatest Tips And TricksThe Blog Services

Huwebes, Nobyembre 7, 2013

Panimula lang ang inabot ko T.t

Mahal kong talaarawan,

        Ang oras namin sa Filipino ngayong araw ay nakapokus pa rin sa akdang Sa Pula, Sa Puti. Tinalakay namin ang mga problemang namamagitan kina Kulas at Celing. Pagkatapos naman noon ay tinanong ng aming guro sa aking mga babaeng kamag-aral kung anong gagawin nila kung sila ang nasa katayuan ni Celing. Tinanong din sa amin ng aming guro na kung paano nga ba malalaman ng isang sugalero na kailangan na niyang magbago. Nagkaroon din kami ng awtput na pagsulat ng mga paraan upang makaiwas sa pagsusugal batay sa mga pamantayang ibinigay sa amin ng aming guro at sa istilong palathala. Hindi ko natapos ang aking sinulat at natawa ako dahil parang panimula lang ang aking nagawa dahil natapos na agad ang oras.

2 komento:

  1. Mukha ngang hindi tapos ang isinulat mo. Siguro wala ka lang sa mood magsulat kung kaya't di mo natapos. :P

    TumugonBurahin