The Blog ServicesLatest Tips And TricksThe Blog Services

Sabado, Disyembre 14, 2013

Pamilya: Pinakaunang Awtoridad

Mahal kong talaarawan,

        Maaga kaming gumising dahil meron kaming Morning Prayer and Devotion (MPD). Ang paksa ngayon ay ang relasyon sa pagitan ng mag-asawa at sa pagitan ng mga magulang at anak.  Sinasabi na sa pamilya ang unang awtoridad na ibinigay sa bawat isa. Pagkatapos naman ng MPD ay tulong tulong kaming naglinis ng simbahan. Nagkaroon din ng maikling pagpupulong tungkol sa pagbibisita ng mga bata.
        Pagkarating ng mga bumisita sa mga bata ay nanaghalian na kame. Matapos mananghalian ay inutusan ako ng aming pastor na gumawa ng dokumentaryo ng mga gawain ng aming simbahan at hapon na ako natapos. Ang totoo niyan, hindi pa talaga tapos ;).
         Matagal nakarating si ate at si Nemuel sa simbahan galing sa kanilang praktis kaya pagabi na nang kami ay nakapagpraktis ng pagtugtog at pag-awit para sa Linggo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento