The Blog ServicesLatest Tips And TricksThe Blog Services

Huwebes, Enero 2, 2014

Adik nga kaseeeee ='>>

Mahal kong talaarawan,

        9:30 na ako nagising ngayong araw. Pagkagising ko ay kung anu-anong kinain ko dahil ang daming pagkain. Bagong taon kasi kaya nagluto si mama kahapon pati na rin may mga nagbigay sa amin. Pagkatapos kong kumain ay nagihaw lang ako ng bangus. Inayos ko na rin ang gamit ko sa skul at kumain ng pananghalian.
        Pagkatapos kumain ay nanuod kami nila papa ng "Turbo". Antok na antok ako pagkatapos manuod kaya sinubukan kong matulog pero hindi ako makatulog kaya bumili na lang ako ng makakain. Pagkatapos magmiryenda ay nagcomputer kami ni Nemuel sa labas ng dalawang oras para mag LOL. Pagkatapos magcomputer ay nangapit-bahay muna dahil andun yung mga kasama ko sa simbahan na mga kabataan. napadaan lang. Naglaro kami ng mga kasama ko sa simbahan ng PS2. Nagenjoy naman ako kasi 2 taon na kong hindi nakakalaro nito. Pagkauwi naman nila ay nagcomputer ulit kami ni Nemuel ng 2 oras (LOL ulet xD). Buti na lang hindi na kami pinayagang magdagdag ng oras kasi raw kaming dalawa na lang naglalaro at kung hindi, baka alas-dose na ako makakauwi at baka hindi na ako pagbuksan ng bahay.

3 komento:

  1. parang hindi ka naman nahilig mag-ubos ng oras sa labas ah~
    naranasan mo na bang hindi mapagbuksan ng pinto? try mo lang kung anong pakiramdam.. heheh~

    TumugonBurahin
  2. Minsan lang po yan..

    Natry ko na pong masarahan.. Nakakaiyak xxxxDDDD

    TumugonBurahin