The Blog ServicesLatest Tips And TricksThe Blog Services

Miyerkules, Enero 1, 2014

Puyat Puyat din ...

Mahal kong talaarawan,

(Karugton....)

        Pagkatapos ng pagsalubong sa bagong taon ay nagkainan kami (siyempre hindi mawawala yun xD). Matapos kumain ay naguwian na ang iba at ang mga naiwan sa simbahan ay nagsimula nang maglipit. Alas-dos na kami natapos pero hindi pa ako natulog. Nagbasa pa ako ng "Diary ng Panget" (DNP)  (:DDD Hihihihih). Alas-kwatro na ako natulog.
        Alas-diyes na ako ng umaga nagising. Wala kasing Morning Prayer and Devotion ngayon dahil nga pagod lahat kagabi. Tinulungan ko lang si ate sa paggugupit ng nileleyout niyang mga papel. Pagkatapos noon ay nanghalian na kami.
        Natulog ulit ako at alas-singko na ako nagising. Nag-antay lang konti at umuwi na rin kami. Madaling na kami nakarating sa bahay. Pagdating ko ay nagbasa lang ulit ng DNP at natapos ko na siya. Matapos magbasa ay natulog na ako.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento