The Blog ServicesLatest Tips And TricksThe Blog Services

Martes, Enero 14, 2014

Lumiban Para Mag-aral ng Matematika

Mahal kong talaarawan,

        Hindi ako nagdala ng gamit pagpasok ko dahil alam kong ililiban kami sa klase upang mag-aral ng Matematika dahil malapit na ang aming laban. Pumasok muna kami ng Chemistry, ang aming unang asignatura, dahil wala pa yung "Excuse Letter". Pagkatapos ng Chemistry ay pinuntahan na kami ng mga kasama namin sa ikaapat na taon at lumabas na kami ng silid-aralan. Sa "Computer Lab" kami pumunta at nag-aral muna kami ng kanya-kanya. Maya-maya ay nagmiryenda muna kami.
         Pagkatapos magmiryenda, bumalik na kami sa "Computer Lab" at nag-aral na ulit kami. Tinawag ako ni Gng. Ramoya kasi pinagawa niya sa akin yung iiimprinta sa tarapal tungkol sa pagkuha ng mga papeles sa skul. Nag-aral na rin naman ako pagkatapos at nananghalian na.
        Ala-una na ng hapon kami bumalik at tinuruan na kami ni G. Raro. Alas-tres kami pinauwi. Pagdating ko sa bahay ay natulog ako. Pagkagisig ay kumain at nagcomputer ako. Dinownload ko yung mga album ng "The Script" at natulog na rin agad.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento