The Blog ServicesLatest Tips And TricksThe Blog Services

Lunes, Enero 13, 2014

Tanong, Isang Sagot, Baba.. Yeah !

Mahal kong talaarawan,

        Maagang nagsimula ang pagtataas ng watawat ngayong araw. Itinama namin ang aming mga markahang pagsusulit at nagulat ako ng naperpek ko ang pagsusulit sa Chemistry. Hindi ko inaasahan yon. Pagkatapos ng klase, hindi kami nag-aral ng Matematika. Nakita ko si ate at hiniram niya ang aking selpon. Umuwi na ako at natulog.
        Tatlong minuto pa lang akong tulog nang biglang ginising ako ni mama. May tumatawag daw sa selpon ko. Nagtaka ako kasi alam kong nakay ate ang aking selpon. Yun pala nakauwi na agad si ate. Sinagot ko na yung tawag. Numero lang ang nakalagay kaya tinanong ko kung sino siya. Si Romero pala. Tinanong niya ko kung nasa skul pa ko at sinabi ko naman na hindi. Bigla na lang binaba nang hindi man lang sinasabi ang rason kung bakit niya tinanong yun. Nainis naman ako kasi ginising ako para run. Di na tuloy ako makatulog at nagbasa na lang ako ng "Voiceless".

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento