Mahal kong talaarawan,
Wala ang aming guro ngayon kaya't si G. Raul ang nagturo sa amin. Nagbalik-aral kami tungkol sa dulang pansuliranin. Tinanong din niya kami kung ano ang mga isyung kontrobersyal sa akdang Sinag sa Karimlan. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pagsulat. Inilagay namin doon ang mga bahagi ng akdang aming nagustuhan at hindi nagustuhan at inilagay namin ang aming reaksyon. Dinagdag din namin kung ano ang bisang pandamdamin at bisang pangkaisipan sa loob ng akda.
Biyernes, Nobyembre 29, 2013
Huwebes, Nobyembre 28, 2013
Dulang Pangsuliranin
Mahal kong talaarawan,
Kami ay nagbalik-aral tungkol sa aming tinalakay kahapon. Ngayon ay tinalakay namin kung anong uri ng dula ang Sinag sa Karimlan at ito ay Dulang Pangsuliranin dahil ito ay tumatalakay sa mga isyung kontrobersyal sa paraang makatotohanan. Ginagamitt ang pananaw na Sosyolohikal sa pagsuri ng ganitong uri ng dula. Nagbigay ang aminng guro ng ilang mga katanungan upang lubos pa naming maunawaan ang Dulang Pangsuliranin. Pagkatapos noon ay nagkaroon kami ng pangkataan.

Miyerkules, Nobyembre 27, 2013
Ana-ah-ah-ak Pata-ha-wad ! Basilyo?
Mahal kong talaarawan,
Nagsimula ang klase sa pagbabalik aral patungkol sa antas ng wika. Hindi ako gaanong nakasabay dahil hindi ako pumasok sa oras ng Filipino kahapon. Tinanong din kami ng aming guro kung anu-ano ang mga isyung panlipunan na nakapaloob sa akdang Sinag sa Karimlan. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatan at ako ang nag-ulat ng aming gawa. Umikot lang ang mga pag-uulat sa paghingi ng tawad ni Mang Luis kay Tony na kanyang anak at ito ay pinatawad nga niya. Sinabi ng aming guro na bukas ipagpapatuloy ang aming talakayan at aalamin din namin ang teoryang nakapaloob sa akda.

Martes, Nobyembre 26, 2013
Unang pagliban sa oras ng Filipino
Mahal kong talaarawan,
Ako ay iniliban sa klase dahil kami ng aking kamag-aral na miyembro ng Supreme Student Government o SSG ay nangolekta ng pera para sa mag-aaral na namatayan ng ama.

Lunes, Nobyembre 25, 2013
Panibagong aralin nanaman
Mahal kong talaarawan,
Tinanong kami ng aming guro kung ano ang maiisip namin kapag narinig namin ang salitang bilanggo. Inilarawan din sa amin ng aming guro ang iba'tibang uri ng pagkakabilanggo katulad ng bilanggo sa pag-ibig, sa problema, sa kahinaan, at sa alaala ng nakaraan. Tinanong din kami kung ano ang kahulugan ng Sinag sa Karimlan. Pinakahulugan ito ng aking mga kamag-aral sa paraang denotasyon, liwanag sa kadiliman, at sa paraang konotasyon, mumunting pag-asa.Pagkatapos noon ay iniulat na ng aking mga kamag-aral ang akdang Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar. Matapos ang kanilang paguulat ay itinama ng aking guro ang ilang kamalian sa kanilang paguulat at mas pinalawig ang pagpapaliwanag sa akda. Ang bawat pangkat naman ay binigyan ng takdang aralin na gumawa ng pag-uulat patungkol sa naatas na tauhan ng akda.

Biyernes, Nobyembre 22, 2013
Maaalalahaning Ama T_T
Mahal kong talaarawan,
Pinasa namin ang takdang aralin namin na islogan tungkol sa paksa ng akdang Tata Selo. Bumunot ang aking guro sa mga nakolektang takdang aralin at binasa ang nabunot ng nagmamay-ari. Pagkatapos noon ay tinanong kami ng aming guro kung ano ang pinoprotektahan ni Tata Selo kung bakit ayaw niyang magsumbong pa si Saling sa pang-aabuso sa kanya ni Kabesang Tano. Nagpaskil din ang aming guro ng mga katanungan patungkol sa akda at nagkaroon kami ng pagsusulit.

Huwebes, Nobyembre 21, 2013
Kriminal na Biktima ?¿?
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw ay nagbalik-aral kami sa akdang Tata Selo. Pagkatapos ay tinalakay namin ang teoryang nakapaloob dito at ito ay ang Teoryang Dekonstruksyon. Sa teoryang ito ay nababago ang una mong pananaw sa akda kapag nalaman mo na ang tunay na mga pangyayari. Halimbawa nito ay ipinapakita ng akda na si Tata Selo ay kriminal samantalang si Kabesang Tano naman ay biktima. Ngunit noong nalaman na sa likod ng mga pangyayari ay ginahasa ni Kabesang Tano ang anak ni Tata Selo na si Saling, lumabas na si Kabesang Tano ang kriminal at si Tata Selo naman ang biktima. Binigyan din kami ng takdang aralin upang gumawa ng islogan tungkol sa paksa ng akda. Mabilis lamang natapos ang talakayan dahil 35 minuto lamang ang inilaan sa bawat asignatura.

Miyerkules, Nobyembre 20, 2013
Kaawa-awang Saling ;(
Mahal kong talaarawan,
Ngayon ay nagbalik aral tungkol sa akdang Tata Selo. Pagkatapos ay tinanong ng aming guro kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng huling linyang sinabi ni Tata Selo na kinuha na ang lahat sa kanya. Nagkaroon din kami ng pangkatan at naatas sa amin kung sinu-sino ang mga taong nererepresenta ng mga tauhan ng akda sa panahon ngayon. Pinakahuli ay nagkaroon ng talakayan kung bakit nga ba talaga pinatay ni Tata Selo si Kabesang Tano. Iyon ay dahilan ng panggagahasa nito sa kanyang anak na si Saling. Nalaman ko rin na ganoon din pala ang ginawa sa kanya ng Alkalde sa bandang huli.

Martes, Nobyembre 19, 2013
Bagong salita :)
Mahal kong talaarawan,
Nagsimula ang aming klase sa pagtatanong ng aming guro kung anong kahulugan ng "Walang alipin, kung walang paaalipin." Pagkatapos ay nagbahagi ang aming guro ng mga bagong salita. Ito ay ang Amba na nangangahulugang lolo at Popo naman sa lola. Iniulat din ng pangkat apat ang akdang Tata Selo ni Rogelio Sikat sa pamamagitan ng pagsasadula. Nagkaroon din kami ng pangkatan.

Lunes, Nobyembre 18, 2013
May mga karapatan tayo !
Mahal kong talaarawan,
Pinagpagtuloy ang naudlot na pag-uulat noong nakaraang Biyernes. Pagkatapos ay tinalakay namin ang mga karapatang pambata na ibinigay ng United Nations Children's Fund. Tinanong naman kami ng aming guro kung anong mga karapatan ang tinamasa at hindi tinamasa ni Adong, pangunahing tauhan ng Mabangis na Lungsod, at halos lahat ay naipagkait sa kanya. Nagkaroon din kami ng pagsulat tungkol sa mga karapatang hindi naibibigay sa amin at mga karapatang aming inaabuso.

Biyernes, Nobyembre 15, 2013
Namatay o hinimatay ?
Mahal kong talaarawan,
Nagbalik aral kami patungkol sa akdang Mabangis na Lungsod at teorya nito, ang Teoryang Naturalismo. Lubusan pang nilinaw ng aking guro ang nasabing teorya. Pagkatapos noon ay tinanong ng aking guro kung namatay nga ba o hinimatay lang si Adong. Ang aking sagot noong una ay hinimatay lang ngunit namatay pala talaga siya base sa mga pahiwatig. Nagkaroon din kami ng pangkatan at binigyan ng takdang aralin na magkaroon ng kopya ng mga karapatang pambata.

Huwebes, Nobyembre 14, 2013
Ipaglaban natin yan !
Mahal kong talaarawan,
Pinag-aralan
namin ngayong araw ang teoryang nakapaloob sa akdang Mabangis
na Lungsod at ito ay Teoryang
Naturalismo. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatan. Nagkamali ang aming
pangkat sa aming ginawa dahil hindi namin nasunod ang panuto ngunit ipinaglaban
pa rin ng aking ibang kagrupo kung bakit ganoon ang aming ginawa. Binigyan din
kami ng takdang aralin upang alamin kung namatay ba o hinimatay lang si Adong,
ang pangunahing tauhan ng akda.
Miyerkules, Nobyembre 13, 2013
Bakit ang lalalim nila ?
Mahal kong talaarawan,
Nahuli sa pagdating ang aming guro kaya't ilang minuto na lamang ang nalabi sa aming talakayan. Pagdating niya ay binigyan niya kami ng pagsusulit patungkol sa mga malalalim na parirala upang lubos pa naming maunawaan ang akdang Mabangis na Lungsod. Gamit ang mga pariralang ito ay isa-isa naming tinalakay ang mga pangyayari sa akda. Pinaliwanag din ng aming guro ang kahalagahan ng pera noon dahil piso lamang ay malaking halaga na. Binigyan din niya kami ng takdang aralin na alamin ang teoryang nakapaloob sa akda.

Martes, Nobyembre 12, 2013
Ang Magagaling kong Aktor na Kagrupo ;P
Mahal kong talaarawan,
Nagsimula
ang klase sa pagtatanong ng aming guro kung sino na ang nakapunta malapit sa
Maynila. Tinanong niya ito dahil konektado ito sa akdang Mabangis
na Lungsod partikular ang lugar ng Quiapo. Habang kami ay nagtatalakayan ay
biglang pinatawag ang aming guro at iniwanan niya kami ng gawain. Pagbalik niya
ay iniwasto namin ito. Nag-ulat din ang aming pangkat at iniakto pa ng aking
dalawang kagrupo ang senaryo nina Adong at Bruno.
Lunes, Nobyembre 11, 2013
Pagwawasto
Mahal kong talaarawan,
Nagkaroon ulit
kami ng pagsusulit patungkol sa akdang Sa
Pula, Sa Puti. Pagkatapos noon ay iniwasto namin ang aming mga awtput na
pagsulat patungkol sa pagiwas sa pagsusugal. Binigyan din kami ng takdang
aralin na basahin ang akdang Mabangis
na Lungsod ni Efren Abueg Reyes at inatasan ang aming pangkat na iulat ito
bukas.
Biyernes, Nobyembre 8, 2013
Bagyong Yolanda
Walang pasok dahil sa bagyong Yolanda.
Huwebes, Nobyembre 7, 2013
Panimula lang ang inabot ko T.t
Mahal
kong talaarawan,
Ang oras namin sa Filipino ngayong araw
ay nakapokus pa rin sa akdang Sa
Pula, Sa Puti. Tinalakay namin ang mga problemang namamagitan kina Kulas at
Celing. Pagkatapos naman noon ay tinanong ng aming guro sa aking mga babaeng
kamag-aral kung anong gagawin nila kung sila ang nasa katayuan ni Celing.
Tinanong din sa amin ng aming guro na kung paano nga ba malalaman ng isang
sugalero na kailangan na niyang magbago. Nagkaroon din kami ng awtput na
pagsulat ng mga paraan upang makaiwas sa pagsusugal batay sa mga pamantayang
ibinigay sa amin ng aming guro at sa istilong palathala. Hindi ko natapos ang
aking sinulat at natawa ako dahil parang panimula lang ang aking nagawa dahil
natapos na agad ang oras.
Miyerkules, Nobyembre 6, 2013
Kakilig ^_^
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw ay pinagaralan namin kung may desisyon bang ginagamit sa pagsusugal. Tinalakay din namin ang mga magiging resulta kung tama o mali ang magiging desisyon mo. Pagkatapos, inalam din namin kung anong teorya ang nakapaloob sa akdang Sa Pula, Sa Puti at iyon ay Teoryang Eksistensiyalismo. Habang kami ay nasa gitna ng talakayan ay pumasok ang asawa ng aming guro na si Sir Mixto at kinilig naman kaming lahat sa magasawa at dumagdag pa itong isa kong kamag-aral at dinalahan ng upuan ang kaklase kong babae dahil wala itong maupuan. Sa huli ay nagkaroon kami ng pangkatan. Naatas saamin na piliin sa listahan ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagbibingo at pagtaya sa lotto.

Martes, Nobyembre 5, 2013
Akalain mo 'yon ?
Mahal
kong talaarawan,
Ang aming klase ay nagsimula sa
pagbabalik aral sa akdang Sa
Pula, Sa Puti. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pagsusulit na ibigay ang
kahulugan ng mga matalinhagang linyang matatagpuan sa akda. Nagsagawa rin kami
ng pagpapangkatan na kung saan ang bawat pangkat ay naatasang sagutan ang 3
tanong na nakapaskil sa pisara patungkol sa naatas na tauhan ng dulang Sa
Pula, Sa Puti sa bawat pangkat. Napunta sa amin si Teban at dahil
naipaliwanag ng aming grupo ito ng mabuti, sinabi ng aming guro na
pinakamaganda ang aming paguulat.
Lunes, Nobyembre 4, 2013
Nakakapanibago ...
Mahal kong
talaarawan,
Balik klase nanaman mula sa isang linggong pagbabakasyon.Naninibago nanaman ako sa oras ng klase dahil mahabang panahon ang ipinahinga ng aking utak.
Sinimulan ng aming guro ang aming klase sa pamamagitan ng pagbabalik aral tungkol sa Banaag at Sikat at binigyan kami ng aming guro ng pagsusulit patungkol sa susunod na aralin, ang Sa Pulat Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo. Pagkatapos ay nagpaskil ang aming guro ng larawan ng laro sa kasino at sabong upang lubos naming maintindihan ang akda. Sandalian din naming binalikan ang 3 kumbensyon na monolog, soliloquy, at aside. Makalipas naman noon ay iniulat na ng pangkat 2 ang akdang Sa Pula, Su Puti.

Mga etiketa:
Banaag at Sikat,
Paaralan,
Sa Pula sa Puti