The Blog ServicesLatest Tips And TricksThe Blog Services

Linggo, Disyembre 29, 2013

Paano napunta yun dun ?

Mahal kong talaarawan,

        Maaga kaming gumising at hinanda na namin ang lahat para sa pagsisimba sa araw na ito. Pagkatapos ay nagsundo kami ng mga bata sa lugar namin. Nasundo na namin lahat ng mga bata at habang kami ay umaandar na pabalik ng simbahan ay namatay ang makina. Nang bubuhayin na ni pastor ang makina, wala pala yung susi (?_?).  Tatlo kaming lalaki na kabataan ang kasama kaya tinulak muna namin to para igilid. Antagal naming nakahinto. Tinext ni pastor yung may-ari ng sasakyan at tinanong kung nasaan yung susi. Angtagal magreply at sinabi na nasa bubong daw ng sasakyan (??_???). Panu napunta yun dun? Buti na lang hindi nahulog. Sa layo ng biyahe namin ay nandun pa rin yun. Natawa na lang kami ng makuha namin ito. Huli na kami nakarating sa simbahan pero hindi pa rin naman tapos yung sa mga bata. Christmas Party nila ngayon.
        Pagkatapos ng sa mga bata ay nagsimula na ang regular na pagsisimba. Ngayon ay Communion Sunday kaya meron kaming komunyon. Pagkatapos naman ng pagsisimba ay nagkaroon ng pangkalahatang pagpupulong tungkol sa mga pagbabago ng simbahan.
        Sumapit na ang alas-tres at nagsimula na rin ang nxtGEN. Pagkauwi namin ay dumaan muna ng SM para magpalamig at magpakaligalig bago umuwi. Medyo gabi na rin nakauwi at natulog na kaagad.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento