Mahal kong talaarawan,
Maaga kaming gumising para sa Morning Prayer and Devotion. Pagkatapos naman noon ay tsinek ko lang ang mga nakatagong gamit sa church katulad ng T.V. at DVD Player kung gumagana pa. at gumagana pa nga sila.
Pinamalengke kami ni Gibson ng mga pgkaen namin para sa pananghalian at para mamayang gabi sa pagsalubong ng bagong taon. Pagdating namin ay niuluto na namin ang mga pagkaen at kumain na rin. Pagkakaen ay natulog ako.
Pagkagising ko ay nagpraktis na ulit kami. Marami kasi kaming tutogtugin at kakantahin mamaya kaya hindi namin natapos ang pagpapraktis namin kahapon. Naligo na ko matapos ng praktis at nagbihis na. Hinanda na rin namin lahat ng gagamitin namin mamaya at ang loob ng simbahan. Manunuod muna sana kami ng palabas habang nag-aantay sumapit ang ikasampo ng gabi pero nagpraktis na lang ulit kami dahil may pagbabago sa aming kakantahin.
Nagsimula na rin ang aming "Worship Explosion". Nauunang tumugtog ang unang grupo ng mga manunugtog. Pagkatapos nila ay nagkaroon ng maikling mensahe si Ptr. Noi at nagsimula na ang aming grupo sa pagtugtog. Iyon na talaga ang pagsalubong sa bagong taon. Medyo mahaba ang tugtugan namin dahil 11 ng gabi kami nagsimula hanggang 11:55. Nagkaroon din ng pagbibilang hanggang sumapit ang alas dose.
(Itutuloy...)
Martes, Disyembre 31, 2013
Lunes, Disyembre 30, 2013
"Diary ng Panget" naman :))
Mahal kong talaarawan,
Plano ko sanang pumunta sa simbahan ngayon dahil pagkatapos mag Morning Prayer and Devotion ay may pagpupulong tungkol sa mangyayaring Worship Explosion sa pagsalubong sa bagong taon pero hindi ako nakagising ng maaga at 10 ng umaga na ako nagising. Pagkagising ko ay naglinis muna ako ng bahay at naligo na. Nagpahatid kami ni ate kay papa papuntang simbahan. Hindi pala natuloy yung pagpupulong kaya naglinis na lang sila at tumulong na rin ako. Pagkatapos maglinis ay nananghalian na kami.
Pagkatapos mananghalian ay nagbasa ako ng ebook. Sinimulan kong basahin ang "Diary ng Panget". Pagkatapos namang magbasa ay natulog ako. Pagkagising ay nagpraktis kami para sa "Worship Explosion". Pagkatapos noon ay kumaen na at natulog na maya-maya.

Linggo, Disyembre 29, 2013
Paano napunta yun dun ?
Mahal kong talaarawan,
Maaga kaming gumising at hinanda na namin ang lahat para sa pagsisimba sa araw na ito. Pagkatapos ay nagsundo kami ng mga bata sa lugar namin. Nasundo na namin lahat ng mga bata at habang kami ay umaandar na pabalik ng simbahan ay namatay ang makina. Nang bubuhayin na ni pastor ang makina, wala pala yung susi (?_?). Tatlo kaming lalaki na kabataan ang kasama kaya tinulak muna namin to para igilid. Antagal naming nakahinto. Tinext ni pastor yung may-ari ng sasakyan at tinanong kung nasaan yung susi. Angtagal magreply at sinabi na nasa bubong daw ng sasakyan (??_???). Panu napunta yun dun? Buti na lang hindi nahulog. Sa layo ng biyahe namin ay nandun pa rin yun. Natawa na lang kami ng makuha namin ito. Huli na kami nakarating sa simbahan pero hindi pa rin naman tapos yung sa mga bata. Christmas Party nila ngayon.
Pagkatapos ng sa mga bata ay nagsimula na ang regular na pagsisimba. Ngayon ay Communion Sunday kaya meron kaming komunyon. Pagkatapos naman ng pagsisimba ay nagkaroon ng pangkalahatang pagpupulong tungkol sa mga pagbabago ng simbahan.
Sumapit na ang alas-tres at nagsimula na rin ang nxtGEN. Pagkauwi namin ay dumaan muna ng SM para magpalamig at magpakaligalig bago umuwi. Medyo gabi na rin nakauwi at natulog na kaagad.

Sabado, Disyembre 28, 2013
Nakakpagod na araw -.-
Mahal kong talaarawan,
Ginising ako nila mama at pinagmamadali ako kasi aalis daw kami. Di tuloy ako nakapili ng maayos na damit at gusot gusot ang suot ko. Parang mauubusan kasi sila ng bibilihin kung makapagmadali sakin eh. At ayun pumunta na kami ng Marikina at bumili ng kung anu-ano.
Pagkatapos naming mamili ay humiwalay na kami ni ate sa kanila dahil pupunta kami ng francia at sila naman pa-francisville. Pagkarating namin ay nagpraktis na kami ng kakantahin namin para bukas. Dahil nga sa sobrang pagod ko, natulog ako pagkatapos magpraktis. Pagkagising ko ay sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung bakit. Baka dahil napagod talaga ako sa pinuntahan namin kanina. Nagsimula na rin ang aming sesyon tungkol sa "Microfinance and Holistic Ministry".

Mga etiketa:
Gawain,
Pakiramdam,
Praktis,
Simbahan
Biyernes, Disyembre 27, 2013
Haist.. Buhay (' ^)
Mahal kong talaarawan,
10 na ako nagising. Kumain lang ng pandesal at naligo na. Pagkatapos maligo ay gumawa na ng aking mga takdang-aralin. Pagkatapos ko namang gumawa ay pinipilit ako ni ate na tulungan siya sa paggawa ng website niya pero tinatamad ako kaya nagpapilit muna konte (Bwahahahaha). At ayun, tinulungan ko na rin siya.
Pagkatapos kong tulungan si ate at gumawa ng mga gawain ko ay nagbasa na ulit ako ng ebook. Mga anim na oras akong nagbasa at natapos ko na ang "Ang Boyfriend Kong Artista". Hindi ko alam kung bakit sa pagbabasa ng ebook na hindi naman ganun kahalaga sa buhay ay nageenjoy ako pero sa pagbabasa ng mahahalaga at may kuwentang libro, wala pang 5 minuto ay pwede na akong makatulog habang nagbabasa sa sobrang antok -_-. Nagcomputer lang ako saglit para magfacebook at natulog na.

Huwebes, Disyembre 26, 2013
Nkakaadik pala magbasa ? Ng ebook?
Mahal kong talaarawan,
Pagkagising ko ng alas-ionse ay kumain na agad ako. Naglinis ako ng bahay at pagkatapos ay nagbasa lang ng ebook na "Ang Boyfriend Kong Artista". Sinubukan ko lang magbasa pero nagenjoy ako at halos hindi na ako nakakain sa tamang oras.
Pagkatapos kong magbasa ng ebook ay nagbasa naman ako sa internet tungkol sa photoshop. Nagpagawa rin sakin si ate ng banner para sa website niya. Pinagawa kasi sila ng guro nila ng website gamit ang HyperText Markup Language (HTML) at nagpagawa siya sakin ng banner para ilagay sa website niya.
Naghapunan na ako pagkatapos magcomputer. Pagkatapos ko naman kumain ay nagbasa ulit ako ng ebook hanggang gabi.

Miyerkules, Disyembre 25, 2013
Pasko na !
Mahal kong talaarawan,
Pagkagising ko, naglinis lang ako ng bahay ng konti. Pagkatapos, naligo na para lumarga nanaman papuntang simbahan. Pagkatapos kong maligo, may pumunta sa bahay. Anak ng ninong ni ate. Punta raw si ate sa bahay nila para mabigay yung pamasko sa kanya. Ang sosyal nga eh. Siya pa yung pinapapuntahan imbis na siya ang pumunta. Ang malas ko nga lang kasi wala kong ninong at ninang ditto. Puro nasa ibang bansa at nagkalimutan na :|. Pero nagulat ako ng sinabi na pinapapunta rin daw ako. Uulanan din ako ng biyaya? At ayun nga binigyan ako ng P110. Salamat sa buhay niya xD
Pumunta na rin kami ng simbahan para dumalo sa Christmas Service. Pagkatapos noon ay nagkainan na kami. Yung iba kong kasama na kabataan ay pumunta sa MOA at kami naman ay pumunta lang sa farmers. Inikot lang naming yun maghapon at nung nagutom na, kain siyempre. Gabi na kami nakauwi.
Pagkauwi ko sa bahay, nagcomputer lang ako sa labas saglit. Bagal kasi sa bahay eh at may pera ako (hahaha). At pagkauwi ko ay nagcomputer ulit at nanuod pa ng "Goong".

Kaibigan,
Palabas,
Simbahan,
Teknolohiya
Martes, Disyembre 24, 2013
Epic Failed!
Mahal kong talaarawan,
Pagkagising ko ay nagumagahan na agad ako at tinulungan ko si ate na gumawa ng proyekto niya. Pagkatapos noon ay isinaayos ko ang mga tugtog sa bago kong mp3 player. Gumawa rin ako ngayon ng iniwang takdang aralin sa amin at natulog ako.
Pagkagising ko ay sinamahan ko si mama sa pamamalengke. Niluto na rin namin yung mga pinamili namin at kumain na. Pagkatapos kumain ay nanuod ako ng "The Heirs". Hinantay kong mag-alas dose para batiin ang mga kakilala ko gamit ang cellphone ng "Blessed Christmas!". Habang nag-aantay ako ay nag-patugtog lang ako at kinalikalikot ang cellphone ko. Nang mag-aalas dose na ay sinubukan kong magregister ng unlimited text sa TNT ay sinabing "Service is currently unavailable due to the number of users". Medyo palpak ang plano. Nakakainis lang. Nagpuyat sa wala.

Lunes, Disyembre 23, 2013
Puro Tulog at Kain at Party ^.^
Mahal kong talaarawan,
Alas-otso na nang ako ay magising. Pagkagising ko ay naglaba muna kami ni mama habang naglilinis ng loob ng bahay si ate at tumulong rin siya sa pagbabanlaw. Pagkatapos maglaba ay natulog ulit ako. Ginising nila ako ng maghahapunan na. Nagcomputer din ako pagkatapos kumain para gumawa ng talaarawan ko sa blog at natulog ulit ako pagkatapos gumawa.
Pagkagising ko ay naghanda na kami para pumunta sa simbahan dahil ngayon ang Christmas Part ng mga kabataan. Pagdating namin doo ay naghanda muna kami ng mga kakailanganin. Bago magsimula ay nauna na ang kainan. Sa pansit at lumpia ako nagenjoy.
Pagkatapos kumain ay nagsimula na ang party. Natuwa ako sa mga palarong pinalaro sa amin ni ate Jen. Halos mapaos na kami sa kakasigaw. Pagkatapos namang maglaro ay nagsalita ng kaunti si Ptr. Noi at nagpalitan na ng regalo. Ang natanggap ko ay damit.

Linggo, Disyembre 22, 2013
Buti Na Lang Hindi Natuloy
Mahal kong talaarawan,
Ngayon ay Linggo at araw ng pagisismba. Nagalarm ako ng alas-sais at nagising naman ako. Ngunit pagkagising ko, akala ko ay nasa bahay ako kaya natulog ulit ako. Ginising na lang ako at alas-siyete na. Lahat kami ay nahuli ng gising. Habang kumakain kami ay may mga bata na na nagdaratingnan. Pagkatapos kong maligo ay puno na ng mga bata ang loob ng simbahan at dumating na rin ang mga nagsundo sa lugar namin at nagsimula na ang Children's Church.
Pagkatapos naman ng Children's Church ay nagsimula na ang regular na pagsisimba. Nangaral lang ng konti ang aming pastor at nananghalian na kami. Pagkatapos namang mananghalian ay nagsimula na ang Christmas Party ng matatanda. Buti na lang ay hindi natuloy ang aming pagsayaw dahil alam kong gagawa lang kami ng kahihiyan. Natatawa ko sa paraan ng pagpapalitan nila ng regalo dahil kakaiba ito mula sa normal na pagpapalitan.
Natulog ako pagkatapos ng Christmas Party nila. Ginising ako ni Cedric kasi pupunta raw kami sa kanila dahil binyag ng pamangkin niya. Pagdating namin dun ay kainan nanaman. Alas-tres imedya na nang kami ay bumalik sa simbahan. Nagsimula na ang nxtGEN at nagsalo-salo sa hapunan pagkatapos.
Pumunta kami sa Sta. Lucia nila ate para bumili ng regalo. Humiwalay muna ko sa kanila kasi baka makita nila ang pangreregalo ko at nagkita-kita na lang kami sa baba. At habang naghihintay ng ibang kasama ay nagkuhanan muna kami ng larawan. Gabi na nang kami ay makauwi.

Sabado, Disyembre 21, 2013
Bagong Pantalon Lang Gusto Ko :)
Mahal kong talaarawan,
Maaga kaming gumising. Nag Morning Prayer and Devotion (MPD) kami at kumain. Habang kami ay kumakain ay dumating si papa. Sinundo niya ako dahil pupunta raw kami ng Antipolo. Pagdating ko sa bahay ay naligo na agad ako at naghanda ng mga gamit. Pagkatapos kong maghanda ay umalis na kami. Nagdyip kami ni mama at nagmotor naman si papa at ate at sa Antipolo na lang kami nagkita-kita. Pantalon lang ang pinabili ko sa kanila at si ate naman ay mga damit niya. Bumili rin kami ng kung anu-ano pa.
Pagkauwi namin ay nananghalian kami. Bumuhos naman ang napakalakas na ulan. Nag-anatay lang kaming humina ang ulan at umalis na kami ni ate at Nemuel papuntang simbahan. Pagdating namin doon ay nagpraktis na kami ng tutugtogin namin bukas.
Pagkatapos naman naming magpraktis ay naghapunan na kami at sinimulang ang aming gawain. Matapos ang gawain ay nagpraktis naman kami ng sasayawin namin bukas. Natatawa ko sa pinaggagawa namin dahil medyo komedya ang ginawa naming sayaw.

Biyernes, Disyembre 20, 2013
Kain, Tulog, Kain, Tulog Ulit xP
Mahal kong talaarawan,
Ngayon na lang ulit ako nakatulog at nakagising ng maayos. Pagkabangon ay nagumagahan na agad ako at naglinis ng bahay.
Pagkatapos maglinis ay tinext kami nila ate at Nemuel na pumunta raw kami sa simbahan ngayon para tumugtog sa Christmas Party ng mga estudyante ng skul ng aming simbahan. Pumunta nga kami at tumugtog sa mga bata. Tumulong na rin kami sa pagpapatakbo ng pagdiriwang. At pagkatapos ay ang pinakaaantay na ng bawat isa, ang kainan. At dahil katulong kami sa pagpapatakbo ng pagdiriwang ay kasali kami sa kainan. Nagenjoy talaga kami ng todo dahil ang daming pagkain.
Pagkatapos ng lahat ay nagsimula na kaming maglinis. Sila ate at Nemuel ay umuwi na pero nagpaiwan ako dahil dito na ko matutulog. Pagkatapos maglinis ay nagpahinga na kami habang nagpapatugtog ako. Maya-maya ay ginising ako ni Cedric. Nakatulog pala ako at alas-sais na nang ginising niya ako. At pagkagising ko ay nakahanda na ang hapunan naming dalawa. Kumain kami at nagpatunaw at natulog na ulit.

Huwebes, Disyembre 19, 2013
Unang Beses Na Hindi Dumalo sa Christmas Party
Mahal kong talaarawan,
Maaga pa ay ginising na ako ni Ptr. Noi dahil nagtataka raw siya na pasado alas-sais na ay hindi pa ako gumigising. Akala niya raw ay may pasok ako. Ngayong araw kasi ay Christmas Party namin sa skul pero hindi ako pumunta. Ito ang unang beses na hindi ako sumali sa Christmas Party ng skul.
Pagkatapos ng aming Morning Prayer and Devotion (MPD, nagumagahan na kami at nagsimulang maglinis. Maraming lata sa aming simbahan dahil laging de lata ang aming inuulam kaya inutusan ako ng pastor namin na tupiin ko ang mga ito para ibenta namin mamaya at nakaipon ako ng isang sako.
Tanghali na kami natapos sa lahat ng gawain at kumain na kami. Matapos namang kumain ay pinagpatuloy ko ang paggawa ko ng dokumentaryo. Habang gumagawa ako ay dumating naman ang mga kasama kong kabataan kaya ibinenta na namin yung mga lata at umuwi na ako.
Pagkauwi ko ay nanuod kami ng Transformers at natapos na namin lahat ng sequel nito. Pagkatapos namang manuod ng Transformers ay nanuod kami ng Goong/Princess Hours.

Miyerkules, Disyembre 18, 2013
Kaya ko to !
Mahal kong talaarawan,
Maaga ang aming uwian dahil may programa na gaganapin sa paaralan. Dumeretso ako sa aming simbahan at pagkarating ay nagpalit lang ako ng damit at natulog na dahil inaantok ako. Ginisang na lang nila ako para mananghalian.
Pagkatapos kumain ay nagpagawa si Ptr. Noi kay ate ng isang kard para sa kaarawan ng kanyang kaibigan. Natapos ni ate ang pagguhit ngunit hindi niya ito nakulayan dahil kaylangan pa nilang bumalik sa skul dahil kasali rin sila sa mga magpepresenta kaya't sakin pinakulayan ni pastor yung kard. Nagulat naman ako nung sinabi niya sa akin 'yun kasi hindi ako magaling sa pagkukulay pero tinanggap ko pa rin yun at ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para mapaganda yun.
Pinagpatuloy ko na rin ang ginagawa kong dokumentaryo ng aming simbahan hanggang maghapunan. Matapos naman maghjapunan ay nagsimula na ang aming gawain sa simbahan at ang aming paksa ay ang Pasko. Hindi na rin ako umuwi ng bahay.

Martes, Disyembre 17, 2013
Iba Yung Pinraktis Ko >.< ..
Mahal kong talaarawan,
Pagkagising ko ay naalala ko na may presentasyon pala kami mamaya. Pinag-aralan ko kaagad yung panimula ng kanata ng Ezra band na "Walang Iba" para naman gumanda yung presentasyon namin mamaya. Dadalhin ko sana yung gitara namin ngunit nang paalis na kami ay bigla namang naputol ang isang kwerdas nito kaya't hindi ko na ito dinala na nagbabakasakaling may mahihiraman ako sa paaralan.
Pagdating ko sa aming paaralan ay mayroon ngang nagdala ng gitara sa aking mga kaklase. Ngunit nalaman ko na hindi pala "Walang Iba" ang aking tutogtugin dahil binago ng aking mga kagrupo ang konsepto ng aming presentasyon. Hindi ko nga ito alam dahil hindi nga ako pumasok kahapon sa aming klase. Nagkaroon naman ako ng sapat na oras para mapraktis yung kantang kakantahin nila.
Ilan sa aming mga guro ay nagbigay sa amin ng ilang saglit para makapagpraktis ng aming ipepresenta. Natuwa naman kami dahil mapapaganda pa namin ng konti ang aming presentasyon. Dumating na nga ang oras ng Filipino at medyo naging maayos naman ang aming presentasyon.
Pagkatapos ng klase ay pumunta kami sa bahay nila Clemente dahil kaarawan niya ngayon. Kami ang nagluto ng spaghetti. Kahit hindi gaanong marunong magluto ay itinuloy pa rin. Masarap naman yung kinalabasan at nabusog kaming lahat.
Plano pa sana naming maglaro sa rentahan ng computer. At sa paghahanap namin ng rentahan ng computer na may bakante ay nakita namin ni Jason ang kaklase namin noong kami ay nasa elementarya pa. Tuwang-tuwa naman si Jason kasi crush na crush niya iyon nung elementarya pa kami. Hindi na nagtagal ang aming pag-uusap at hindi na natuloy ang paglalaro dahil hapon na at umuwi na kami.

Lunes, Disyembre 16, 2013
Ang Saya Gumawa sa mga Huling Sandali
Mahal kong talaarawan,
Lunes nanaman at may pagtataas kami ng bandila sa paaralan. Maaga kaming gumising ng ate ko at kami ay kumain. Pagkatapos ko kumain, natulog ako ulit. Ginising ako ng ate ko at pagkatapos kong maghanda ay huli na kami at hindi na nakaabot sa pagtataas ng bandila.
Pagkatapos noon ay hindi na ako pumasok sa klase dahil naghanda na kami ng mga opisyal ng SSG para sa aming pagbisita sa kulungan. Pagpunta namin doon ay bitbit kaming konting pagkaen at mga kagamitan uoang maipadama namin ang tunay na diwa ng pasko sa kanila. Pagdating namin doon ay sinalubong nila kami ng awitan at naging masaya ang aming pagbisita roon.
Nang pauwi na ay gusto ko na sanang dumiretso sa paguwi dahil sobrang inaantok ako ngunit umakyat pa rin kami sa paaralan dahil kung saan daw kami sinundo ay doon babalik. Mabuti nga at bumalik ako sa paaralan dahil meron pala kaming pagpupulong sa organisasyon ng Matematika at Stentor.
Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa paaralan ay umuwi na ako. Pagdating ko sa bahay ay natulog agad ako. Alas-siyete na ako nagising. Pasahan pala ng portpolyo namin sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EP) bukas at ngayong gabi ko lang ito ginawa. Ang saya talagang gumawa sa mga huling sandali.

Linggo, Disyembre 15, 2013
Ayoko talagang magpuyat, bakit ganon ?
Mahal kong talaarawan,
Pagkagising ko ay naligo agad ako habang naghahanda ang aking mga kasama ng umagahan. Pagkatapos kumain ay nagsundo kami ng mga bata. Pagbalik namin ay nagsimula na ang aming Children Ministry. Habang tinutugtugan namin ang mga bata ay nakikita ko sa kanilang mukha ang saya at nakakahawa ang kanilang mga ngiti.
Pagkatapos naman ng Children Ministry ay nagsimula na ang aming pagsisimba. Ang paksa nito ay ang mga magagandang bagay na dapat nating matutunan mula sa mga bata katulad ng pagiging mapagpakumbaba, busilak ang puso, at masunurin. Pagkatapos naman nito ay nagkaroon kami ng pagpupulong. Ito ang unang pagpupulong namin kay Pastor Noi bilang bagong Senior Pastor ng aming simbahan. Pinagusapan namin ang ilang pagbabago na magaganap sa aming simbahan.
Antok na antok ako kaya't natulog muna ko. Pagkagising ko ay magsisimula na ang aming nxtGEN. Pagkatapos naman noon ay sama-sama kaming naghapunan. Habang kumakaen ay pinagusapan ulit namin ang aming gaganaping pagdiriwang ng pasko at nagbunotan na rin kami.
Paguwi ko sa bahay namin. Plano ko na talagang matulog. Pero pagupo ko sa harap ng computer, nawala yung antok ko. Sa pagcocomputer ko ay nagwonload na rin ako ng mga softwares para sa gagawin naming pagdodokumentaryo sa aming paaralan at gabing gabi nanaman ako natulog.

Sabado, Disyembre 14, 2013
Pamilya: Pinakaunang Awtoridad
Mahal kong talaarawan,
Maaga kaming gumising dahil meron kaming Morning Prayer and Devotion (MPD). Ang paksa ngayon ay ang relasyon sa pagitan ng mag-asawa at sa pagitan ng mga magulang at anak. Sinasabi na sa pamilya ang unang awtoridad na ibinigay sa bawat isa. Pagkatapos naman ng MPD ay tulong tulong kaming naglinis ng simbahan. Nagkaroon din ng maikling pagpupulong tungkol sa pagbibisita ng mga bata.
Pagkarating ng mga bumisita sa mga bata ay nanaghalian na kame. Matapos mananghalian ay inutusan ako ng aming pastor na gumawa ng dokumentaryo ng mga gawain ng aming simbahan at hapon na ako natapos. Ang totoo niyan, hindi pa talaga tapos ;).
Matagal nakarating si ate at si Nemuel sa simbahan galing sa kanilang praktis kaya pagabi na nang kami ay nakapagpraktis ng pagtugtog at pag-awit para sa Linggo.

Biyernes, Disyembre 13, 2013
Kayo na Idol Ko!
Mahal kong talaarawan,
Pagkatapos ng klase, hindi kame nag-aral ng Matematika. Nag-antay lang ako ng oras hanggang magsimula ang patimpalak na "Mambugan idol" kung saan ipapakita ng mga kalahok ang kanilang natatanging talento dahil naatasan ako na gawan ito ng balita. Habang naghihintay ay nawili kami ng aking mga kaibigan sa pagtingin sa mga isda. Iba't ibang uri, kulay, at laki. Nakakaginhawa talaga sa pakiramdam na pagmasdan ang mga ito.
Pinuntahan naman kami ng aking kasama sa SSG at humingi ng tulong sa amin. Nagbigay kami ng mga liham sa mga presidente at iba pang opisyal ng bawat silid-aralan upang iabot ito sa kanilang mga magulang. Ang liham na ito ay tungkol sa End VAW (Violence Against Women) na kung saan ituturo sa mga kababaihan ang kanilang mga karapatan upang maiwasan ang pangaabuso ng iba.
Natapos naman namin ang pagbibigay ng liham at nagsimula na nga ang Mambugan Idol. Natuwa naman ako sa pagoobserba dahil kakaiba at magagaling ang mga sumali sa patimpalak. Parang gusto ko tuloy magkaroon ng talento nila. Nang matapos na ito ay umuwi na ako sa bahay, nagpahinga ng saglit at pumunta na sa aming simbahan.

Paaralan,
Pakiramdam,
Simbahan
Huwebes, Disyembre 12, 2013
Pambihira yan! Ginabi na naman -.-
Mahal kong talaarawan,
Nagkaroon ulit kami ng pagpupulong sa Stentor at Umalohokan pagkatapos ng klase. Pinagusapan namin yung pagdodokumentaryo ng bawat pangkat ayon sa mga bilang na nabunot namin. Ako ay pangkat 1 at nagulat ako nang sabihin na ako raw ang magiging lider ng pangkat na ito dahil wala pa akong karanasan patungkol sa pagdodokumentaryo. Ang paksang naibigay sa amin ay "Epekto ng Social Media sa mga Kabataan". Pagkatapos ng pagpupulong ay pinagusapan naman namin ng mga kagrupo ko kung ano ang aming gagawin.
Pagkauwi ko sa bahay ay nanuod agad ako ng "The Heirs". Pagkatapos ko manuod ay naalala ko na may takdang aralin pa pala kaya't ginawa ko ang mga ito. Pumalit naman si papa sa pagcocomputer at nanuod naman ng "Transformer" kaya nakinuod din ako. Ayon, dahil nakinuod pa ay gabi ko na nagawa ang aking artikulo tungkol sa pageeleksyon ng mga opisyal ng organisasyong SAMAKA at portpolyo sa Matematika.

Miyerkules, Disyembre 11, 2013
Nuod Tayo !
Mahal kong talaarawan,
Pagkatapos ng klase at mag-aral sa Matematika, nagkaroon ng pagpupulong ang Stentor at Umalohokan. Kailangan na raw na matapos agad yung dyaryo ng paaralan para makasali sa RSPC yung mga kalahok ng aming paaralan. Pinagusapan din namin na magkakaroon kami ng dokumentasyon tungkol sa mga isyu ng kabataan ngayon.
Pagkauwi ko ay gumawa lang ng mga takdang aralin at nanuod na ng "The Heirs". Huminto ako sa panonood nang dumating na si papa dahil gagamit din siya ng computer. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa rentahan ng computer para magpaprint dahil nagpiprint din sila ron.
Medyo matagal akong nakabalik ng bahay kasi may nagpaggawa pa sa rentahan ng computer kaya matagal bago naprint yung takdang aralin ko. Pag-uwi ko sa bahay, nakita kong nanunuod si papa ng "Unless" kaya nakinuood na rin ako. Pagkatapos panuorin nun ay nanuod din kami ng "Hanzel and Gretel". At sa wakas maaga ring nakatulog sa araw na ito.

Martes, Disyembre 10, 2013
Aga na gumising huli (late) pa rin !?
Mhal kong talaarawan,
Alas-kwatro pa lang ay gumising na kami ni Raky. Naghanda kami ng aming almusal - nagsaing at nagluto ng ulam. Habang hindi pa luto ang sinaing ay naligo na kami at hinanda ng aming mga gagamitin sa pagpasok. Pagkaluto ng sinaing ay kumain na kami at inayos na rin namin yung loob ng simbahan para sa Morning Prayer and Devotion nila mamaya dahil mula Lunes hanggang Sabado ay may MPD tuwing als-siyete ng umaga. Nahuli pa rin kami ni Raky sa pagpasok kahit maaga kaming gumising.
Maaga kaming pinauwi sa paaralan dahil meron yatang programa (program) na gaganapin. Paguwi ko sa bahay ay kumain ako at natulog na hanggang alas-siyete ng gabi. Pagkagising ko ay inabutan kong nanunuod sila mama ng "Wonderful Life" kaya't nakinuod na rin ako. Pagkatapos manuod ay gumawa na ako ng aking mga takdang aralin.

Lunes, Disyembre 9, 2013
Epal yung Ulan :(
Mahal kong talaarawan,
Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa aming simbahan dahil nagpapatulong ang aming pastor sa akin. Inayos muna namin ni Raky Delgado, kasama ko sa simbahan, yung baner sa harap ng aming simbahan. Hindi gaanong maayos yung pagkakakabit namin kaya inulit namin yung kabilang parte.
Medyo pagabi na kaya naghanda na kami ng hapunan at kumain na. Pagkatapos kumain ay sinimulan ko na yung pinapagawa sa akin ni Pastor. Pinagsama-sama at inayos ko yung mga impormasyon ng mga simbahan at pastor na kabilang sa IGM Philippines. Medyo naguluhan ako sa mga impormasyon ng ibang pastor kaya't medyo natagalan sa paggawa. Gabi na noon at biglang umulan ng malakas. Sabi ko tuloy sa sarili ko, "Haha ! Walang pasok bukas!", at biglang huminto ang ulan. Nagkwentuhan lang kami buong gabi habang gumagawa at nagkakain ng kung anu-ano. Alas dos imedya (2:30) na kami natulog.

Linggo, Disyembre 8, 2013
Mali nga 'Yon ..
Mahal kong talaarawan,
Pagkagising namin ay naghanda na kami ng almusal at inayos ang loob ng simbahan. Sinundo na rin namin yung mga bata sa lugar namin at nagumpisa na ang Children's Church. Pagkatapos ay nagpraktis kame dahil hindi nga naging maayos yung praktis kahapon ng P&W Team dahil hindi kumpletoang grupo. Nagumpisa na ang pagsisimba at ang paksa namin ay pinamagatang "We need to be poor in spirit in order to be rich" at ang pangunahing bersikulo (verse) ay Mateo 5:3-12 o mas kilala bilang "Ang Mapalad" o "The Beatitudes" sa ingles. Naging maayos din naman ang aming pagtugtog pero pinagsabihan ako ng asawa ng nauna naming pastor na dapat ay nagpraktis ako kahapon. Kahit raw maganda yung pagtugtog namin ay dapat paring ibigay yung puso namin sa pagpapraktis at dapat ay may paghahanda dahil hindi naman tao ang tinutugtugan namin kundi ang Diyos (Ayon medyo natauhan ^^').
Natapos na yung pagsisimba namin at sama-sama kaming nananghalian. Hinatid din namin yung mga batang sinundo namin kanina at natulog ako pagbalik sa simbahan. 10 minuto lang akong nakatulog dahil nagsimula na agad yung pagpupulong ng mga lider ng Cell Ministry kaya medyo hilo-hilo ako. Pagkatapos naman ng pagpupulong ay nagsimula na ang nxtGEN, pagsisimba ng mga kabataan. Pinagusapan din namin ang aming gaganaping pagdiriwang ng pasko at pagkakaroon ng maliit na negosyo. Gabi na kami nakauwi at inabot pa ng ulan.

Sabado, Disyembre 7, 2013
Medyo Inis !
Mahal kong talaarawan,
Maaga kaming gumising dahil meron kaming tinatawag na Morning Prayer and Devotion (MPD). Hinanda lang namin yung loob ng aming simbahan tapos ayun, pahinga na ulit ng konti. Maya-maya ay nagumpisa na ang aming MPD. Ang aming paksa ay tungkol pa rin sa pagpapasakop sa mga awtoridad katulad ng mga magulang, guro, opisyal ng gobyerno, lider ng simbahan at marami pang iba. Binigyang halaga rin ng aming pastor, Pastor Noi, ang linyang "Giftedness is never above authority" na kahit ikaw ay binigyan ng maraming talento at pagpapala ay hindi iyon dapat maging dahilan ng pagrerebelde mo sa awtoridad.
Pagkatapos ng MPD ay nagalmusal na kami at sinabihan ako ng aming pastor na tingnan ko raw kung maayos pa ang mga kurdon ng mikropono at ng mga instrumento para maipaayos namin. Tiningnan ko nga kung alin ang mga sira at pagkatapos ng pananghalian ay pumunta kami ng aming pastor sa Quiapo (Naalala ko diyan si Adong ^_^). Noong nasa estasyon na kami ng LRT, sabi ko sa pastor namin na magsiCR lang ako. Nainis ako sa CR. Sa daming tao run, isang CR lang? Tapos angtatagal pa lumabas nung iba. Pagdating namin ay natagalan kami sa paghihintay kaya hindi na ko umabot sa praktis ng Praise & Worship Team ng aming simbahan. Natawa ko nung napagisip-isip ko na 2 oras yung biyahe namen tapos mga 30 minuto yung paghihintay tapos 15 minuto lang ginawa.

Biyernes, Disyembre 6, 2013
"Dapat laging handa!" ?
Mahal kong talaarawan,
Nagkaroon kami ng pagsusulit sa MAPEH (Music, Arts, Physical Education, and Health). Hindi ko alam na may pagsusulit ngayon dahil hindi rin ito nasabi sa amin ng aming guro. Nahirapan ako sa pagsusulit dahil hindi ako handa at hindi ako nagbalik-aral sa aming asignatura. Pagsapit naman ng oras ng AP (Araling Panlipunan) ay binigkas namin ang Preamble, 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, at ang mga lalahok sa paligsahan ng pagkulingling (jingle) ay nagpresenta sa harapan upang makita kung maayos na ba ang kanilang presentasyon.
Pagkatapos ng klase ay hindi ako, kasama ng aking mga kagrupo, nag-aral sa Matematika dahil ang aking mga kasama ay may mga gagawin at mayroon din kaming pagpupulong sa Stentor, pahayagang ingles ng Mambugan. Sa aming pagpupulong ay binigyan kami ng kanya-kanyang paksa upang gawaan ng balita. Ang naibigay sa akin na paksa ay ang natapos na eleksyon ng SAMAKA (Samahan ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan) at ang gaganaping paligsahan na "Mambugan Idol" sa darating na ika-13 ng Disyembre.
Pagkauwi ko sa aming tahanan ay gumawa muna ako ng aking mga takdang-aralin. Maya-maya ay sinamahan ko naman ang aking ina sa pamamalengke upang mayroon siyang katulong.
Tuwing Biyernes hanggang Linggo ay sa aming simbahan ako natutulog kaya't hinantay ko ang aking ama na umuwi mula sa kanyang trabaho upang magpahatid sakay ng kanyang motor papuntang simbahan. Pagkadating ko ay nagpahinga muna. Nagpatugtog muna ako sa aking cell phone at kumain pagsapit ng bandang ikapito ng gabi. Pagkatapos kumain ay sinimulan ko nang gawin ang listahan ng mga batang pumupunta sa aming simbahan tuwing Linggo ng umaga at malalim na ang gabi nang ako ay matulog.

Huwebes, Disyembre 5, 2013
Medyo Tamad xD
Mahal kong talaarawan,
Dalawang asignatura ang hindi ko napasukan - Filipino at T.L.E. - dahil bilang mga opisyal ng SSG ay naatasan nanaman kaming mangolekta ng tulong para sa isang mag-aaral ng aming paaralan na namatayan ng ama. Iniwan nanaman ako ng dalawa kong kasama sa pag-aaral sa Matematika pagkatapos ng oras ng klase dahil inakala yata nila na umuwi na ako kaya't ako lang ang magisang nag-aral kasama ang aking guro. Antok na antok ako sa oras ng aming pag-aaral kaya't pagkauwi ko sa bahay ay natulog ako.
Alas-siyete na ng gabi nang ako'y magising. Pagkagising ko ay kumain na kami at ginawa ko na ang aking mga takdang aralin. Natuwa naman ako sa paggawa dahil mayroon na kaming keyboard. Nang makita kong nakabukas ang aking kamag-aral sa facebook ay nagpasabay na ko magpaprint kahit malapit lang ang paprintan sa amin dahil tinatamad akong lumabas (medyo tamad xD).
Habang ako'y nagpapasikut-sikot sa aking facebook ay merong isang kaibigan na humingi ng payo ukol sa kanyang mga problema. Natuwa naman ako sa kanya dahil naranasan ko na rin ang mga problema niya. Napayuhan ko naman siya ng maayos dahil nga napagdaanan ko na ang mga ganoong bagay at nagtapos pa rin ang aming pag-uusap sa, "Pagpray mo yan kay Lord." Mayamaya ay nagloko ang aking facebook at sinasabing, "Your account is temporarily unavailable." Medyo inis na ko kaya't natulog na ako.

Liban/Walang klase,
Paaralan,
Pakiramdam
Miyerkules, Disyembre 4, 2013
Napakagandang araw :)
Mahal kong talaarawan,
Naging masaya ang araw ko ngayon sa aming paaralan. Hindi ko alam kung bakit masaya ako ngayon pero masaya talaga. Natuwa rin ako sa mga palaisipan ng aking mga kamag-aral sa akin na kahit nagkaklase na ay iniisip ko pa rin. At kapag nalaman ko na ang sagot ay natatawa na lang ako.
Katulad ng dati, nag-aral ng Math pagkatapos ng klase at dumiretso ako sa aming simbahan dahil tuwing Miyerkules ay may pag-aaral ng Salita ng Diyos (Bible Study) kami. Nagpahinga lang ako ng kaunti at inayos namin ng mga kasama ko ang ikatlong palapag ng aming simbahan dahil nakakalat ang mga kagamitan. Nang matapos na kami ay gumawa na ako ng aking mga takdang aralin.
Mayamaya pa'y nagsimula na ang aming pagtitipon. Maganda ang aming talakayan dahil ang amin paksa ay pagpapatibay ng aming pananampalataya sa Diyos at kung ano nga ba ang tinatayuan namin bilang Kristiyano. Ito ay "Na si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa mga kasulatan.Siya rin ay inilibing at siya ay ibinangon sa ikatlong araw ayon sa mga kasulatan." (1 Corinthains 15:3-8) Gabi na natapos kaya't ginabi na kami ng aking ate, Sairah Padernal, at ng aking kaibigan, Nemuel Cervera, nakauwi.

Martes, Disyembre 3, 2013
Puyat nanaman -.-
Mahal kong talaarawan,
Panibagong araw nanaman. Normal pa rin ang takbo ng buhay. Pumasok sa paaralan at pagkatapos ay nag-aral nanaman ng Matematika. Hindi nanaman natuloy ang paggawa ng bulletin board dahil iniwan nanaman kami ng aming mga kasama at mga lalaki nanaman ang natira. Umuwi na lamang kami. Hindi namin kayang gawin iyo dahil alam naming wala kaming talento sa pagdidisenyo.
Gumawa ako ng aking mga takdang aralin. Mayamaya ay dumating na ang aking ate galing sa paaralan at siya naman ang gumamit ng computer. Tumulong muna ako sa aking ina na gumawa ng mga gawaing bahay at kami ay kumain na ng hapunan. Pagkatapos magsikain ay pinanood namin ng aking ate ang ika-4 hanggang ika-6 na kabanata ng Goong/Princess Hours. Para sa akin, parang mabilis ang mga pangyayari. Malalim na ang gabi kaya't natulog na kami ng aking ate.

Lunes, Disyembre 2, 2013
Tik...Tik...Tik... Walang Keyboard :|
Mahal kong talaarawan,
Ngayon ay araw ng Lunes. Meron kaming pagtataas ng flag (Flag Ceremony) sa aming paaralan kaya't maaga kami ng aking ate ginising ng aming ina. Maaga na nga kaming ginising ng aming ina ay muntik pang mahuli sa pagtataas ng flag dahil napakabagal kumilos ng aking ate.
Natapos ng normal ang aming klase. Dumiretso ako sa aking guro sa Matematika na si Gng. Santos upang mag-aral ng iba't ibang konsepto para sa darating na laban kasama ang aking mga kamag-aral na si Jerome at Shenna. Inakala kong pagkatapos ng aming pag-aaral ay gagawa kami ng bulletin board para sa organisasyong SSG ngunit wala ang aming mga kasama kaya't umuwi na lang kami. Pagkauwi ko ay natulog na ako.
Nagising ako at hinarap agad ang computer. Gumawa ako ng mga takdang aralin. Inayos ko rin ang aking blog sa Filipino. Nilagyan ko ito ng mga tatak (labels). Nahirapan ako sa aking paggawa dahil sira ang aming keyboard at on-screen keyboard lamang ang aking ginamit na kung saan pipindutin lamang ng mouse ang mga letra(tik....tik....tik....). Pagkatapos noon ay hindi na ako nagpagabi dahil may pasok pa kinabukasan.

Linggo, Disyembre 1, 2013
Masaya ang Pagsunod :)
Mahal kong talaarawan,
Ako nanaman ang nahuling nagising. Inayos namin ang loob ng simbahan at nilagyan namin ng mga upuan para sa mga batang dadalo mamaya sa aming Children's Church. Mayamaya pa'y dumating na ang mga bata at kami ay nagsimula na. Nagtugtugan, nagsayawan, at nagturo na sa mga bata. Pagkatapos noon ay pinakain na namin sila. Nagsimula na rin ang regular na pagsisimba at pagkatpos ay nagsalu-sako kami sa pananghalian. Karaniwan akong natutulog pagkatapos noon ngunit ngayon ay hindi. Hinantay ko munang magsimula at matapos ang aming pagtitipon tungkol sa pagiging lider(Leadership Session) at tsaka ako natulog. Nang ako ay magising ay nagsimula na rin ang pagsisimba para sa mga kabataan. Natuwa ako sa paksa ng aming Pastor tungkol sa pagpapahalaga sa mga sakripisyo ng aming mga magulang. Medyo gabi na nang matapos at salu-salo ulit kaming naghapunan. Nagyaya ang isa sa kasama kong kabataan na pumunta sa Marikina para maggala ngunit intinext ko muna ang aking ina kung papayagan niya ako. Hindi siya pumayag, katulad ng inaasahan ko, dahil gabi na ngunit pinilit ko siya. Hindi na siya nagtext pang muli. Nagkaroon ng pagdadalawang isip sa akin kung susundin ko ba siya o hindi. Ngunit napagtanto ko na konektado ito sa itinuro kanina ng aming Pastor kaya't hindi na ko sumama. Hindi naman nagkaroon ng inis sa aking puso dahil hindi ako nakasama at masaya pala talagang sumunod. Bago umuwi sa bahay ay dumaan muna ako ng pagupitan at nagpagupit.